CHAPTER 27: The Departure

1K 53 4
                                    

Ito na ang huling araw ng pagsasanay ni Kraden. Narating na niya ang unang antas ng pagiging isang Rokai.

Buong maghapon ay nagsanay sila nina Juris Sorgov at ng kanyang mga magulang.

Kinagabihan ay pinagdiwang nila ang kaarawan ni Kraden. Hindi naman sumali sa kasiyahan si Juris Sorgov dahil marami pa daw siyang aasikasuhin sa palasyo.

Maligayang kaarawan Kraden!

Sabay sabay na sigaw nina Lilica Rigor at ilan pang mga kapitbahay ni Kraden.

Naghanda ang mga magulang ni Kraden ng maliit na salo salo sa kanilang bahay.

Maligayang kaarawan Kraden!

Masayang sabi ni Lilica sabay abot ng kanyang regalo.

Ano to?

Tanong ni Kraden.

Healing Amulet. Ako mismo gumawa niyan. Kapag malubha kang nasugatan ay matutulungan ka niyan.

Ahh.. Salamat Lilica ah.

Bigla namang tumingin si Lilica kay Rigor.

Rigor. Saan yung regalo mo kay Kraden?

Tanong ni Lilica.

Nauna na. Hehe binigay ko na sa kanya yung regalo ko. Hindi ba Kraden?

Ahm.. Oo Lilica. Binigyan niya ako ng sariling armor. Magaan nga e pero sobrang tibay.

Sabi ni Kraden.

Ano? Bakit mo ako inunahan Rigor?! Nakakainis ka naman!

Medyo inis na sabi ni Lilica.

Hahahahaha!!

At nagtawanan na nga ang dalawa.

Pinagmamasdan sila nila Guardian Vargas at Gwenneth.

Ang saya ng mga bata ano? Vargas?

Hmm.. Napaka bilis ng panahon. Nooy paslit pa lang si Kraden.. Ngunit ngayon isang seryosong misyon na ang haharapin niya. Sana lang talaga nakatulong tayo sa paghahanda niya.

Sabi ni Guardian Vargas.

Magtiwala nalang tayo kay Kraden.. Alam ko na kakayanin niya ang misyon na ito. Mahusay siya sa pakikipaglaban at napakabilis din niyang matuto. Hindi mag tatagal ay maaabot din niya ang antas ng kakayahan natin.. Baka nga higit pa.

Sabi ni Guardian Gwenneth.

(Sigh)

Napa buntong hininga nalang si Guardian Vargas.

Bakit Vargas? Ano bang iniisip mo?

Tanong ni Guardian Gwenneth.

Wala. Naiisip ko lang kung paano kung malaman ng Sagradia ang tungkol sa mga mata ni Kraden. Sigurado akong nakita ni Emperor Xarhagard ang mga matang asul ng ating anak. Sigurado akong papaslangin nila si Kraden dahil sa propesiya.

Nagaalalang sabi ni Guardian Vargas.

Kung mangyayari yun ay poprotektahan natin siya. Ako man ay labis na nagaalala kay Kraden ngunit anong magagawa natin? Kung iyon ang nakatakda?

Sabi ni Guardian Gwenneth.

Tama ka Gwenneth. Ang dapat nalang nating gawin ay pagkatiwalaan si Kraden.

At matapos kumain ay nagkayayaan ang mga magkakaibigan na lumabas at pumunta sa kanilang tree house. Umakyat sila at humiga sa mismong bubong.

Habang nakahiga ay pinag mamasdan nila ang mga bituin.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon