CHAPTER 9:The Betrayal

1.7K 73 2
                                    

Nakabaon ang katawan ni Tenkka sa isang tipak ng bato at hindi ito makagalaw. Nakatingin lang sa kanya si Helios habang nakalutang sa himpapawid.

Nang makita ni Ramman ang nangyaring iyon kay Tenkka ay nakaramdam ito ng takot.

"Ano tanda?Ikaw na ang susunod...Helios!Tapusin mo na ang Tenkka na iyan!"

Sabi ni Khail.

Muling lumakas ang pagliyab ni Helios at inipon niya ang lahat ng apoy sa kanyang katawan patungo sa kanyang espada.

Ang kulay itim na espada ay naging kulay pula sa sobrang init ng apoy na bumabalot dito.

"Sige na Helios!!Ano pang hinihintay mo?!Gamitin mo na ang Hellish Sword!"

Utos ni Khail.

Sa isang huling paglagablab ay ibinato ni Helios ang kanyang espada patungo kay Tenkka.

BOOM!!(SFX)

Tila isang malakas na bomba ang sumabog sa pagatakeng iyon ni Helios.Nahati sa dalawa ang batong nakalutang na kinaroroonan nila.

Shake..(Sfx)(Earthquake)

Agad inilipat ni Ramman ang dalawa nitong kasama gamit ang Lightning Barrier sa natitirang kalahati ng lumulutang na bato.At naging dahilan din ito ng pagkalapit nila kay Khail.

Helios tapusin mo na sila!Magpaalam na kayo!

Sabi ni Khail.

Muli nanamang nagliyab ang espada ni Helios at akmang uulitin ang ginawa nitong pag atake.

Pero bago pa niya magawang umatake ay biglang tumalsik si Helios pa bagsak sa lupa.

Hindi pa pala tapos ang laban.

Buhay pa rin si Tenkka. Tumayo si Helios at inihanda nito ang sandata ngunit ng titignan na niya si Tenkka ay naglaho ito.

Smash!!(sfx)Punch

Napakabilis ng mga pag ataking ginawa ni Tenkka at halos mabali ang katawan ni Helios. Muli itong tumalsik ngunit kahit nasa era ay nahabol pa ito ni Tenkka. Binayo niya ito pataas at noong nasa ere na si Helios ay binago ni Tenkka ang hugis ng Thunder Sword at ginawa itong sibat.

Nabalot ng kidlat ang sibat at walang anu ano ay ibinato niya ito.

SSHHHHKKK!!!!(SFX)

Tinamaan si Helios at naglaho.

Nakita ito ni Khail at agad siyang umisip ng paraan.

Dahil sa pagod ay hindi nalaman ni Tenkka na papalapit na si Khail.

Inihanda nito ang kanyang kamay at agad niyang inilagay ang animoy Sealing Spell dito.

Napakabilis ng galaw ni Khail.

Maglaho ka Aeon!!!

Sigaw ni Khail.

At tinamaan nga si Tenkka.

Parang tumigil ang oras para sa lahat ng nakasaksi sa ginawang iyon ni Khail.

Tumalsik si Tenkka palayo sa lumulutang na bato patungo sa labanan sa baba.

Kitang kita sa mukha nina Ramman Mirka at Dophar ang pagkagulat sa nangyari.

Pero bago pa man mabaling sa kanila ang atensyon ni Khail ay agad gumawa ng hugis talim mula sa Barrier si Ramman at pinatalsik ito patungo kay Khail.

Tsukk!!(sfx)

Nagulat si Khail sa pag atakeng iyon ni Ramman.

Tinamaan si Khail sa balikat at dahil doon ay napigilan ni Ramman ang anu mang tangka nitong gumawa ng Spells o kahit mag summon.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon