CHAPTER 42: Waiting For Blood

887 39 5
                                    

Sabay sabay na umalis sa kuta ng Felefe bandits ang grupo ni Kraden.

Nilingon naman ni Kraden sa huling pagkakataon ang mga tao dito. Nakatingin sila kay Kraden na tila uhaw sa kanyang pagbabalik at umaasa sa kanyang pangako na tatapusin na ang mga labanan sa Galfia.

Agad naman siyang tinapik ni Rigor.

Kraden tayo na. Hayaan mo matatapos din ang mga kaguluhan sa Galfia.

Sabi ni Rigor habang nakangiti sa kaibigan.

Alam ko Rigor darating din ang araw na iyon.. Sa oras na makuha natin ang Sphero sa Emperyo ay wala na silang panghahawakan sa Zargrand at sa kahit kinong kaharian. Ibabalik ko sa mga taong ito ang kanilang inaasam na kalayaan.

Sabi ni Kraden ng seryoso.

Nga pala Kraden. Nahihiwagaan na ako sayo. Tila nagagamit mo na ang pagiging asul ng iyong mata. Mula pa lang sa Skyship ay talagang nagulat ako sa bilis mo at hindi bat nasira ang espada mo?

Tanong ni Rigor.

Mahabang kwento Rigor. Pero.. Ang alam ko lang ay ang pag asul ng mga mata ko ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kakayahan. Bilis lakas at kapangyarihan ng kidlat.

Sabi ni Kraden.

Sandaling nag isip si Rigor.

Hmm mabuti naman at may kabutihan palang bigay ang pag asul ng mga mata mo hayaan mo pag dating natin sa Magiskon ay igagawa kita ng bagong espada. Balita ko kase ay may mga mineral na pwedeng ihalo sa mga sandata na itinitinda sa Magiskon.

Sabi ni Rigor.

Bigla namang sumingit si Lilica.

Hoy kayong dalawa hindi pa ba tayo aalis?

Tanong ni Lilica habang nakapamewang.

Hehehehe..

Natawa na lang ang dalawa at sabay napakamot sa ulo.

Lumapit sandali si Lilica sa magkapatid na Anhaki upang bigyan si Vlade ng isang potion. Inabot niya ito kay Vlade.

Ano ito?

Tanong ni Vlade na halatang hinang hina pa rin.

Iyan? Isang Health Replenish Potion. Hindi tulad ng ordinaryong Health Potion pinupunan nito kahit ang mga nawalang likido sa iyong katawan kahit ang mga pagod na pagod mong muscle ay bibigyan nito ng karagdagang lakas.

Sagot ni Lilica.

Salamat Lilica.

Sabi naman ni Anya.

Tumingin lang si Lilica kay Anya at ngumiti.

Ano pang hinihintay natin tayo na!

Sabi ni Lilica.

Saglit.. Hindi na kami makakasama sa inyo.

Sabi ni Anya.

Napalingon sila Kraden at Rigor ng sabihin iyon ni Anya.

Masyado na kasing maraming nangyari. Hinanghina na ang kuya ko gusto ko muna siyang pagpahingahin uuwi muna kami sa Karahi Village upang muling pamunuan ng aking kapatid ang aming tribo.

Sabi ni Anya.

Naiintindihan namin magiingat nalang kayo. Marami pa din ang naghahanap sa kuya mo dahil nananatili pa din ang pagiging wanted niya.

Sabi ni Kraden kay Anya.

Sige mauuna na kami.

Sabi ni Anya.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon