Ikinuwento nina Vargas at Gwenneth ang mga nangyari sa palasyo. At pinaliwanag din nila na maaaring si Kraden at si Tenkka ay iisa at dahil doon ay naliwanagan na si Kraden.
Ganun pala.. Kya pala nag asul ang mga mata ko. At maaring ako na nga ang nasa propesiya.
Sabi ni Kraden.
Oo anak si Azrathel Novis ay nagbabadyang bumalik. Ang kailangan na lamang ay ang katawan nito at isang summoner na may Mana na kayang tumawag kay Azrathel Novis.
Sabi ni Vargas.
Ngunit magpasa hanggang ngayon ay wala pa ding nakakahanap ng katawan nito. Marahil ang mga Deon lamang ang nakakaalam.
Dagdag naman ni Guardian Gwenneth.
Kayat may panahon pa Kraden.. Bukas na bukas ay magsasanay tayo upang ihanda ka para sa pagsubok ng mga taga bantay.
Sabi ni Guardian Vargas.
Opo ama..
Magalang na sagot ni Kraden.
Pagkatapos kumain ay sabay sabay nang nagpahinga ang buong pamilya.
Kinabukasan..
ZzzzZzz..
Tulog na tulog pa din si Kraden. Agad naman umakyat ang kanyang ina upang siya ay gisingin.
Kraden.. Mauuna na ko. Ang iyong ama ay nauna na sa palasyo. Dun nalang daw kayo mag sanay..
Sabi ni Guardian Gwenneth.
Ilang minuto pag alis ng ina ay may narinig nanaman si Kraden na tumatawag mula sa bintana.
Kraden!! Gising na dyan!!
Boses iyon ni Lilica.
Agad namang bumangon si Kraden at dumungaw sa bintana.
Oh Lilica! Nandyan ka na pala.
Sabi ni Kraden.
Oo. Kararating ko lang din. Kumuha kase ako ng mga halaman sa kakahuyan. Ano? Sasabay ka ba sa akin papuntang palasyo?
Sabi naman ni Lilica.
Sige hintayin mo ako bubuksan ko lang yung pinto tapos maghintay ka muna sa sala. Maghahanda lang ako.
Sagot ni Kraden.
Binuksan nga ni Kraden ang kanilang pinto at pinatuloy si Lilica.
Saglit lang ah maliligo lang ako.
Sabi ni Kraden.
Habang naghihintay ay sinuri naman ni Lilica ang mga nakuha nitong mga halaman. Gamit ang isang magnifying Glass ay mabusisi nitong sinuri ang bawat dahon ng mga ito. Ilang minuto na ang lumipas at tila wala pa din si Kraden.
Ang tagal naman maligo nun.. Hays.. Tanghali na.. Kraden!! Dalian mo na.
Sigaw ni Lilica.
Teka lang palabas na!
Sagot ni Kraden.
At ilang saglit pa ay lumabas na nga si Kraden sa banyo. Nakatapis ito ng tuwalya at nakalabas ang itaas na bahagi ng katawan nito. Medyo maskulado na din si Kraden kahit binatilyo pa lang din ito.
Nanlaki ang mga mata ni Lilica at biglang namula ang mga pisngi.
Kkkraden.. Bilisan.. Mo na nga..
Medyo kinakabahang sabi ni Lilica.
Alam ni Lilica na walang ibang tao doon kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip niya.
Oo na. Mabilis lang naman ako magbihis eh. Hehe.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...