The Secret Mission 6

737 22 7
                                    

Anong?!... Napakaraming metal na kabaong..

Sabi ni Korvin sa kanyang isip.

METAL CASKET!! OPEN!!

Sigaw ni Darius.

MGA KASAMA MAG HANDA SA PAKIKIPAGLABAN!!

Sigaw ni Korvin sa mga kasama.

Lumabas naman mula sa mga metal na kabaong ang mga sinaunang sundalo ng Solara at Noctraska na nasawi sa digmaan ng mga Summoner.

Ang mga baluting iyan?.. Mga sundalo sila noong digmaan ng mga summoner.

Sabi ni Amerie.

Agad siyang gumawa ng Barrier upang protektahan ang sarili.

Nagpadala din siya ng mga Healing Orbs sa mga kasama.

Si Larancet naman ay initusan na ang Fragtos sa pakikipag laban.

FRAGTOS!! GAMITIN MO ANG BUNTOT MO!

At iwinagwag nga ng Fragtos ang kanyang buntot at nagsipagtalsikan nga ang mga zombie sa lakas ng paghataw nito.

Si Amerie ay agad namang sinugod ng mga Zombies ngunit sadyang napakatibay ng barrier nito at tanging ang metal rod lang ni Amerie ang makatatagos dito.

Agad niya itong ipinaikot at gamit ito ay hinulma niya ang kanyang Barrier upang magkaroon ito ng mga matatalim na tinik.

BARRIER CHANGE!! BARRIER OF THORNS!

Sabi ni Amerie.

Maliban sa pagkakaroon ng mga tinik ng barrier ay kaya ring pagalawin ni Amerie ang mga ito upang gawin pa itong mas mapaminsala.

Swoooossshhh!!!  (Sfx) (Spinning Thorns)

MAGSI ALIS KAYO DIYAN!!

Sigaw ni Amerie at sumugod siya sa kumpol kumpol na Zombies.

SLASHH!! SLASHH!! SLASHH!!....
(SFX) (THORN SLICING)

Nagkalasog lasog ang mga katawan ng mga Zombies dahil sa talim ng Barrier ni Amerie.

Sa kinalalagyan ni Korvin..

GYAHH!! GYAHH!! GYAHH!!

Marami na ding napaslang si Korvin na mga Zombie ngunit tila wala itong katapusan dahil habang may napapatumba siyang mga Zombie ay agad itong napapalitan ng mga bagong Zombie.

Pant.. Pant.  Asar!! Wala na ba itong katapusan?!

Sabi ni Korvin na halata na ang magtinding pagod.

Si Larancet naman ay napilitan ng sumakay sa Fragtos upang makaiwas sa parami ng paraming mga Zombie.

FRAGTOS!! FIRE BREATH!!

GRROOWWLL!!!

At bumuga nga ng apoy ang dragon. Nasunog ang lahat ng malapit sa Fragtos ngunit may mangilan ngilan na nakakagat sa paa ng dragon.

Agad bumaba si Larancet upang tanggalin ang mga ito ng biglang lumabas ang isang pulang kabaong.

Agad itong bumukas at lumabas si Darius na tila iba na ang kasuotan. Siya ay nakasuot ng pulang baluti at nagkaroon din ng pinta na pula ang mukha nito.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon