CHAPTER 36: The Demon Unleashed

1K 50 2
                                    

At tuluyan na ngang nakalabas ng Beril ang Felefe Bandits.

Natahimik si Goris ng makabalik na sila sa kakahuyan.

Tinanong siya ng isa sa kanyang mga tauhan.

Pinuno. Akala ko po ba kailangan natin ng bounty ng dalawang iyon pero bakit mo natin sila iniwan.

Tanong ng isang bandido.

Hindi ko din alam.. Marahil ay tama siya.. Hindi ko siya kilala pero nararamdaman kong kakampi natin siya.. Sino kaya ang batang iyon?

Sabi ni Goris.

Samantala sa B.H.G Headquarters.

Dumating ang mensahero at agad dumulog kay Direktor Akaros.

Direktor ang halimaw! Inaatake niya ang Beril.

Ano?!

Gulat na sabi ni Direktor Akaros. Nandoon din si Wesley at tila nakaramdam ito ng matinding galit.

Wesley pagkakataon mo na. Hulihin mo na ang Vlade na iyon.

Utos ni Direktor Akaros.

Ako na ang bahala sa halimaw na iyon.

Sabi ni Wesley.

Ngunit may isang boses na hindi kilala na nag salita.

Teka.. Hindi niyo ba ako isasali diyan?

Nagulat si Direktor Akaros at Wesley ng biglang dumating ang Rank No.6 Blacklist Hunter na si Dekard.

O nakabalik ka na pala?

Tanong ni Direktor Akaros.

Oo ngayon lang. Pero parang may gusto ka nanaman sa aking ibigay na misyon. Hehe

Sabi ni Dekard.

Dekard sa akin na itong misyon na ito. Naibigay na sa akin ito ni Direktor Akaros.

Sabi ni Wesley.

Ganun ba? Pwede naman yata ako tumulong ano? Alam mo Wesley. Kaya ka lang naman naging No.2 Dahil sa dami lang ng misyon mo. Pero kung husay lang naman ay mas magaling naman talaga ako sayo.

Sabi ni Dekard.

Nagkatitigan ang dalawa.

Huminahon kayo! Sige para walang gulo ay pareho ko nalang kayong ipapadala.

Sabi ni Direktor Akaros.

Narining mo? Totoy? Haha.

Anong sinabi mo?!

Hahaha... Tayo na! Totoy!

Asar!

At sabay na ngang nagtungo ang dalawa sa kinaroroonan ng Garm.

Samantala sa kinaroroonan ng Garm.

Agad nagpakawala ng mga matutulis na yelo ang Garm at tinamaan ang halos lahat ng sundalo at natira lamang ang kapitan.

Kraden! Tara na!

Sigaw ni Rigor.

Mabilis namang umikot si Kraden sa likuran ng Garm.

Shift!!!(sfx)(Fast Move)

Si Lilica naman ay nag basag ng dalawang botelya upang tawagin ang mga Chuku-Chuku.

Agad niya itong pinasugod sa Garm kasabay ni Rigor.

Mga alaga protektahan niyo si Rigor at yung iba kagatin niyo ang halimaw.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon