CHAPTER 22: Rank S Mission

1.1K 53 1
                                    

Kumpleto na ang lahat. Nasa pulong ang lahat ng matataas na opisyal ng militar at ng estado.

Mahal na hari. Ang mga tao po ay nagtitipon-tipon na po sa labas ng palasyo. Nangangamba po ako na baka magsimula po ito ng rebelyon kontra sa kasalukuyang monarkiya. Dapat pong makipagusap na tayo sa Sagradia upang alisin ang kanilang pwersang panghimpapawid sa himpapawid ng Zargrand.

Sabi ni Heneral Sottier Yuven

Si Heneral Yuven ang Heneral ng sandatahang lakas ng Zargrand.

Tama po si Heneral Sottier mahal na hari. Isa pong matinding krisis ang haharapin ng Zargrand kung magkakaroon ng digmaang sibil.

Sabi ni Heneral Axall Wigern.

Si Heneral Wigern naman ang Heneral ng pwersang pang himpapawid ng Zargrand.

Kung sakali naman pong hindi makuha sa pakiusap ang Sagradia ay handa naming ipagtangol ang Zargrand kahit buhay namin ang maging kapalit.

Sabi ni Heneral Valcrow Kittler

Siya naman ang Heneral ng Hukbong pandagat ng Zargrand.

Malalim na nagisip si Haring Golfodd.

Batid natin na hawak nila ang Sphero kayat napakahirap mag desisyon sa mga bagay bagay. Narinig niyo naman siguro lahat kahapon. Ang nais ni Emperor Xahagard ay magpakasal ang aking kaisaisang anak na si Prinsesa Eliona at ang kanyang anak na si Prinsipe Vircen.

Sabi ni Haring Golfodd.

Bakas pa din ang pag aalala ng hari at reyna sa mga nangyayari. Nasa tabi lang ng hari at reyna ang kanilang mga Guardian.

Kung ganoon po ay ang tanging paraan po lamang ay ang kasal upang hindi po magkaroon ng digmaan? Pag isipan po natin ang lahat mahal na hari. Hindi biro ang mga mangyayari kapag nagpakasal na ang dalawang anak ng mga pinaka makapangyarihang pwersa sa Galfia.

Tanong ni Heneral Wigern.

Hindi na sumagot ang hari at reyna.

Mahal na hari alam kong hindi katanggap tanggap ngunit iyon lamang po ang nakikita kong paraan.

Sabi ni Ministro Orbos.

Biglang tumahimik ang lahat.

Siya nga pala nasaan si Juris Sorgov?

Tanong ng hari.

Paumanhin po mahal na hari humingi po ako ng pabor sa Juris upang sanayin ang aking anak. Ang Juris din po ang nagsabi sa akin na gusto niyang sanayin ang aking anak upang matulungan sa kanyang haharaping pagsubok para sa pagiging taga bantay.

Sabi ni Guardian Vargas.

Hmm.. Walang problema Vargas. At kahit naman hindi niya tinulungan ang iyong anak na mag sanay ay hindi rin naman dadalo ang taong iyon. Hehe.. Bakit pa ba ako nagtanong..hehe.

Sagot ng hari na tila nangingiti.

Matagal na kasing magkakilala ang hari at si Juris Sorgov. Sila ay magkababata.

Salamat po mahal na hari.

Siya nga pala ilang taon na din mula ng tinanggihan ni Juris Sorgov ang pagiging Lord Knight gusto ko sanang ialok ito sayo Vargas.

Nagulat si Guardian Vargas ng marinig ito.

Nagulat din ang mga heneral sa sinabing iyon ni Haring Golfodd.

Mahal na hari. Hindi naman po sa pangingialam ngunit si Guardian Vargas po isang 3rd Class Knight pa lamang. Hindi po ba kailangan niya munang marating ang rango ng 1st Class upang maging isang Captain? At hindi nga rin po siya isang heneral?

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon