Lumapag ang mga Sagradian SkyShip sa paliparan ng kaharian.Bumukas ang tarangkahan ng pinakamalaking barko.Lumabas ang isang daanan at mula sa barko ay lumabas ang mga deligado ng emperyo kasabay nila ay lumabas din ang emperador ng Sagradia.Si Emperor Xarhagard at ang Emperial Prince na si Prince Vircen.
Naglakad ang mga ito patungo sa palasyo.Sinalubong sila ng Zargrand Knights na pinangungunahan ni Juris Indigo Reidd.Ang isang Knight na binigyan ng titulong Juris ay may karangalan ng isang Hukom at pinakamataas na karangalan sunod sa isang Lord Knight.Kaya din nilang mag pataw ng kaparusahan kahit hindi na dumaan sa hukuman.Pinamumunuan din ng isang Juris ang isang Elite knight force na tinatawag na Vanguards.
"Juris Indigo...Bakit ikaw lang ang sumalubong sa amin?Nasaan ang hari?"
Tanong ni Emperor Xarhagard na nakasimganot at palingalinga.Lumapit naman si Juris Indigo upang sumagot.
"Di kayo inaasahan ng hari kaya't di niya kayo nasalubong ngunit parating na ang kamahalan."Aniya.
Ilang saglit pa ay dumating na nga si Haring Golfodd kasama ang kanyang taga bantay na si Guardian Vargas.Nasa terasa naman ang Reyna Narcen katabi ang kanyang taga bantay na si Guardian Gwenneth.Lumakad papalapit ang hari at ang kanyang guardian.
"Maligayang pag dating sa kaharian ng Zargrand..Di namin inasahan ang iyong pagdating Emperor Xarhagard.Kasama pa ang iyong anak.Marahil di kayo abala sa pananakop sa hilaga kaya't naisipan niyong dumalo."
Wika ni Haring Golfodd habang nakangiting nakatitig sa Emperor.
Biglang tumahimik ang paligid.Tila may nabubuong tensyon sa dalawang panig ng biglang lumitaw mula sa kawalan ang isang taong nakabaluti ng itim at may dalawang espadang hawak.Napabunot ng espada ang mga Zargrand Knights kasama sina Juris Indigo at Guardian Vargas.
"Huminahon kayo!"
Sigaw ni Emperor Xarhagard at nakataas ang isang braso.Humawak na din sa kanyang espada si Prinsipe Vircen.Nagmasid ang lahat sa nangyayare sa paliparan ng kaharian.Natatanaw nina Kraden ang mga nangyayari sa labas.
"Nandoon ang akin ama.Ano kayang nangyayari doon?"
Wika ni Kraden na tila may kagustuhang pumunta sa paliparan.Pinigil lang siya nina Lilica at Rigor.
Di parin humuhupa ang tensyon sa labas ng kaharian.Handa ang lahat kung sakaling may magaganap na labanan.
"Korin itabi mo ang iyong sandata!"
Wika ni Emperor Xarhagard.Ginawa nga ito ng taong nakabaluti.At isa isa na ring itinabi ng mga Zargrand Knights ang kanikanilang armas.
"Paumanhin Haring Golfodd..Siya nga pala ang Guardian kong si Korin..Masyado lang siyang mainit hehe ipagpaumanhin niyo ang ginawa niyang kahangalan"
Wika ng Emperor habang nakangiti.Tinawag na din ni Prince Vircen ang kanyang Guardian na si Grimtooth.
"Hmm nangangamoy dugo."
Wika ni grimtooth na may nakakatakot na boses.Siya ay mapayat ngunit maskulado ang pangangatawan.Wala siyang pang itaas ngunit nakasuot siya ng itim na pantalon.May hawak siyang katana.
"Walang patutunguhan kung magkakagulo tayo dito.Araw to ng aking anak.Di ito pwedeng masira dahil sa hindi pagkakaintindihan..Tayo na't pumasok na tayo sa palasyo"
Wika ni Haring Golfodd nang mahinahon.Sabay sabay silang pumasok sa palasyo.At nagsimula na nga ang seremonya.Bago tawagin ang prinsesa ay nag talumpati muna si Haring Golfodd kasama niya sa entablado ay si Reyna Narcen mga taga payo ang High Wizard at ang High priest.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasiThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...