CHAPTER 20: Anhaki Tribe

1.4K 56 1
                                    

Napalunok nalang si Kraden sa sinabi ni Juris Sorgov.

Gulp*

Hahaha wag kang kabahan bata. Tandaan mo lahat ng bagay ay nakukuha sa sipag at tiyaga. Kung dito pa lang ay susuko ka na ay mabuti pang wag mo nang pangarapin na maging isang Guardian.

Sabi ni Juris Sorgov.

Hindi! Gusto kong matuto Juris. Isa pong karangalan ang turuan niyo Juris.

Sabi ni Kraden sabay tungo tanda ng pag galang.

Mabuti. Sumunod ka sa akin. Pati na ikaw iha. Kakailanganin natin yang mga halamang gamot na dala mo.

Sabi ni Juris Sorgov.

Nagulat si Lilica sa kanyang narinig dahil hindi naman niya nilabas ang mga halaman sa palasyo at nasa bag lamang niya ito.

Huh? Paano niyo po nalaman na may dala akong halamang gamot? Juris?

Tanong ni Lilica.

Hehe.. Sa tagal ko sa kakahuyan ay halos saulado ko na ang amoy ng mga halaman doon lalo na yung ginagamit sa medisina. Hehe.. Kayat kahit nakatago pa iyan sa iyong bag ay maaamoy ko pa din ito.

Sagot ni Juris Sorgov.

Namangha si Lilica at Kraden sa kanilang narinig. Nararamdaman ni Kraden na marami siyang matututunan sa Juris. Pinabalik na sa kanyang poste ang kawal at pumunta na sa labas sina Kraden at Juris Sorgov kasama si Lilica.

Noong makarating na sila sa isang tahimik na lugar ay agad inilabas ni Juris Sorgov ang kanyang espada na gawa sa kahoy. Meron din siyang isa pang espada at inabot ito kay Kraden. Pinalayo niya si Lilica para hindi ito matamaan ng mga pag atake.

Ngayon na natin sisimulan ang pag sasanay.

Sabi ni Juris Sorgov kay Kraden.

At nag simula na nga ang pag sasanay.

Samantala sa isang komunidad sa Mt.Anko ay may nagaganap na pag pupulong.

Sila ang tribo ng Anhaki.

Mga taong may pambihirang kakayahan na maihahalintulad sa mga lobo.

Sila ay nakatira sa nag nyenyebeng bundok ng Mt.Anko

At ang kanilang pinuno ay nag ngangalang Vlade Garmhunter.

Sila ng kapatid niyang si Anya ang huli at natitira sa lahi ng mga Garmhunter.

At nagsimula na nga ang pulong. Si Vlade ay nakaupo sa trono na gawa sa mga buto ng hayup. Siya ay matipuno ngunit hindi ganoon kalapad ang katawan. Suot niya ang bungo ng maalamat na Garm pati ang kanyang balabal ay gawa sa balat at balahibo ng maalamat na halimaw.

Vlade nabigo nanaman ang Sagradia sa kanilang operasyon upang makaakyat dito sa Mt.Anko at sa Karahi Village.

Sabi ng isang miyembro ng konseho ng Karahi Village.

Heh! Naka ilang kabiguan na ang Sagradia at hindi pa rin sila na dadala. Hahaha!

Masayang sabi ni Vlade.

Hahaha. Sa sobrang taas at sobrang lamig dito sa Karahi ay hindi nila kakayanin. Haha.

Sabi naman ng isa ring miyembro ng konseho.

Pero hindi dapat tayo maging kampante. Alam naman nating hindi basta basta sumusuko ang Sagradia. Iniisip pa din nilang nasa Mt. Anko ng katawan ni Azrathel Novis . tsk. Ang aming angkan ang naatasan upang protektahan ang bundok na ito. Pero responsibilidad pa rin ng lahat na ito ay pangalagaan.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon