The Secret Mission 3

543 25 1
                                    

Hmp.

Ang taong iyan..

Sabi ni Korvin na tila alam niya kung sino ang taong naka itim.

Tinignang mabuti ng iba pang miyembro ng Vanguards kung sino ang taong iyon.

At noong mapagtanto nila kung sino ang taong iyon ay matinding pagkabigla ang kanila naramdaman at sabay sabay silang napaatras.

Ikaw?! Ikaw si Darius Segfried tama ba?!

Tanong ni Amerie na bakas ang pagkabigla at may halo na ring takot.

Ngunit bakit kaya ganoon nalang ang pagkabahala ng mga miyembro ng Vanguards? Sino kaya ang taong ito?

Ngumiti si Darius at tila lalong natuwa ng malaman niyang kilala siya ng mga ito.

Si Darius ay isang lalaking kulay abo ang buhok at pula ang mga mata. Maputi ang kanyang kulay na tila maputla.

Hehehe... Bakit ganyan ang reaction niyo? Wala naman akong ginagawa sa inyo. Hehe.

Sabi ni Darius.

Anong ginawa ng isang terorista sa islang ito? Ha? Matagal ka ng pinaghahanap ng Zargrand! At nasaan ang dalawa mo pang kasama?! Sagutin mo ako!

Pasigaw na sabi ni Korvin.

Hehehehe... Alam mo Vanguard magaling ka sa pakikipaglaban. Ano kaya kung isama kita sa mga koleksiyon ko?

Tanong ni Darius kay Korvin.

Natahimik si Korvin ngunit sa loob loob nito ay kelangan niyang maging maingat sa pakikipag usap sa taong ito.

Korvin.. Ako na ang kakausap sa taong iyan.

Sabi ni Biston sabay lapit kay Darius.

Tumayo si Biston sa harapan ni Darius at kitang kita ang agwat ng katangkaran ng dalawa.

Nakatingala na lamang si Darius dahil sa laki ni Biston at tinitigan siya nito.

Darius.. Pwede ka na bang umalis sa dadaanan namin?

Tanong ni Biston.

Napangiti lang si Darius sa sinabing iyon ni Biston.

Talaga? Seryoso ka? Papaalisin mo ako sa kinatatayuan ko? Ha? Monghe?

Sagot ni Darius kay Biston na tila nang aasar pa sabay ngiti.

Talagang ginagalit mo ako kutong lupa ka?! Pag sinabi kong alis! UMALIS KA DIYAN!!

Biglang sumigaw si Biston at walang ano ano ay sinuntok niya si Darius.

BOOM!! (SFX) (Punch Impact)

Sa lakas ng suntok ay kumapal ang alikabok at nabalot ang buong paligid nito.

Hindi nakakibo ang lahat ng miyembro ng Vanguards at tila nabigla din sa ginawang iyon ni Biston.

(Gulp)

Napalunok bigla si Korvin ng makita ang nangyari.

Ilang saglit pa ay nawala na ang makapal na alikabok na bumabalot sa kanila ngunit may kakaibang bagay silang nakita na nasa lugar na iyon.

Ang suntok ni Biston ay tumama sa isang kabaong na gawa sa makapal na bakal.

Kahit na sobrang lakas na ng suntok na iyon ni Biston ay tila walang pinsalang natamo ang kabaong na gawa sa bakal.

Biglang sumilip si Darius mula sa likod ng kabaong at naka ngiti ito.

Alam mo Monghe... Ang ayaw ko sa lahat ay yung bastos.. At dahil sa ginawa mo ay nakaramdam ako ng inis.. Kaya sana magustuhan niyo itong munting regalo ko sa inyo.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon