Yawn!
Isang bagong umaga nanaman para kay Kraden at kayang mga kasama.
Agad bumangon si Kraden kahit tila inaantok pa at pupungaspungas pa ang mga mata.
Tinignan niya ng paligid at nakita niya na tulog pa din sina Rigor at Lilica.
(Yawn!) Napagod talaga siguro sila.. (Stretch)
Pero ako parang ayos agad... Isang tulog lang pero parang walang nangyari kahapon.
Sabi ni Kraden.
Agad siyang tumayo at tinignan ang sarili sa salamin.
Kahit peklat ay walang natira sa katawan ko... Napaka galing naman ng kakayahang kong ito.
Sabi ni Kraden sa sarili ng biglang may nagsalita sa kanyang isipan.. At itoy walang iba kung hindi si Tenkka.
Ahem. Hindi mo ba ako pasasalamatan?
Wag mo naman akong gulatin. Hmm salamat sa kakayahan mo ah. Tenkka.
Walang anuman.. Siya nga pala ingatan mo ang katawang iyan dahil malapit na ang oras para bawiin ko iyan..
Tila natigilan si Kraden sa kanyang narinig.
Tenkka. Pwede ba akong humingi ng pabor?
At ano naman iyon?
Pwede bang huwag mo munang bawiin ang katawan mo hanggang hindi ko pa nakakamit ang lubos na kapayapaan sa Galfia?
Biglang natahimik si Tenkka at hindi na ito nagsalita.
Wala ng nagawa si Kraden kung hindi magbuntong hininga.
(Sigh)
Ilang saglit pa ay bumangon na sila Lilica at Rigor.
Yawn! Magandang umaga!
Sabi ni Lilica.
Magandang umaga din. Bumangon na kayo diyan at mag agahan na tayo.
Sabi ni Kraden.
At agad ngang naghanda ang dalawa. Noong makapagbihis na silang lahat ay agad silang umalis ng hotel at nag hanap ng makakainan.
Nagtungo sila sa isang Restaurant na nagsisilbi ng agahan.
Umupo na sila at kumuha ng mainit na tsokolate at matamis na tinapay.
Siiiiipp...(sfx)(Sipping Hot Choco)
Ahh.. Ang sarap ng tsokolate dito.
Sabi ni Lilica ng nakangiti.
Ngumiti din ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto pa ay may dumaan na mga Sirkero.
Tuturututtuttuttuttururururut.!!(sfx)(Trumpet)
At sa tapat mismo ng Restaurant ay nagtanghal ang mga sirkero.
Ibat ibang talento ang ipinakita ng mga ito. May mga tumambling nag paikot ng kung ano ano gamit ang kanilang kamay. May bumuga rin ng apoy.
Wow! Anung meron?
Tanong ni Lilica.
At pagkasabi niya noon ay biglang sumagot ang taga silbi sa kinakainan nila.
May pista po kasing nagaganap dito sa Magiskon.
Pista? Para saan?
Tanong ni Rigor.
Para po sa nalalapit na pagtatapos ng mga estudyante ng Crevilen Academy.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasiaThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...