CHAPTER 25: Nightmare Eye

1K 49 1
                                    

Sa tangapan ng Sagradian Army.

Ano?! Napaslang lahat ng sundalo ng 46th Infantry?

Sabi ng heneral ng Sagradia na nagngangalang Xernis Garridor.

Opo heneral Garridor. Isang Anhaki lang po ang pumaslang sa apat na raang sundalo ng 46th Infantry. Binase po iyon sa nasaksihan ng isa nating Scout Skyship pilot.

Sabi ng isang kapitan.

Wpak!! Bang!!(sfx)

Biglang sinuntok ng heneral ang lamesa at nawasak ito.

Grrr... Isang kutong lupa ang gumawa noon sa mga tao ko... Grr .. Papaslangin ko ang taong iyon. Magbabayad siya kay heneral Garridor.

Sabi ng heneral habang nakasarado ang mga bakal na kamao.

Ang heneral ay may malaking pangangatawan. Bakal ang kanang kamay nito at may pilat ito sa kanyang kanang pisngi at hugis ekis ito.

Samantala sa Caravan ng Felefe Bandits.

Clak clak clak clak!!(sfx)(Zecos Feet)

Sa loob ng isang karwahe na kinalalagyan ni Anya.

Inabutan ni Goris ng tinapay si Anya.

Oh. Kumain ka na. Hindi ka maibebenta kung payat ka. Oh kunin mo.

Sabi ni Goris sabay abot ng tinapay.

Pak!!

Um!!

Biglang tinapik ni Anya ang kamay ni Goris at tumalsik ang tinapay.

Anak ng!! Bakit mo ginawa iyon! Gusto mo talagang masaktan ano!

Galit na sabi ni Goris.

Agad namang nagtakip ng mukha si Anya upang maprotektahan ang sarili kung sakaling saktan siya nito.

Pasalamat ka at bawal ang may sugat sa Le Gurnald kung hindi binali ko na iyang mga buto mo.

Sabi ni Goris.

At matapos noon ay agad ng umalis si Goris. Pagkaalis na pag kaalis ni Goris ay agad kinuha ni Anya ang tinapay at kinain. Gutom na gutom ito ngunit kailangan niyang itago ang gutom nito sa harapan ng mga bandido bilang protesta sa ginawa sa kanyang pag dukot.

Ang Le Gurnald naman ay ang pangalan ng isang lugar sa Beril kung saan nagaganap ang pinaka malaking bentahan ng alipin.

Sa gitna ng kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga mangangalakal.

Tatlo lang ang bilang nila at tila walang kasamang sundalo.

Pinuno. May mga mangangalakal sa labas.

Sabi ng isang bandido.

Ganun ba? Ano pang hinihintay niyo? Edi paslangin niyo na at kunin niyo ang mga kalakal na dala nila.

Utos ni Goris.

Agad nagsibabaan sa karawahe ang ilan sa mga bandido.

Hehehehe... Ibigay niyo sa amin ang mga produktong dala niyo! Hahaha..

Sabi ng isang bandido.

Si Goris naman ay nanatili sa loob ng karawahe.

Slash!! Slash!! Slash!!(sfx)

Gyaahh!! Arrgghh!!! Aahhh!!

Pumalahaw ang mga boses ng paghihirap habang tumatawa ang mga talim sa katawan.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon