At tumigil na nga ang pag ulan ng niyebe.
Hmm mukhang bumalik na sa tunay niyang anyo ang Garm. Noong una ay hindi ko inakalang apoy talaga ang kahinaan ng Garm dahil ang isa sa aking mga kasamahan ay apoy din ang kapangyarihan ngunit ni hindi niya nagasgasan ang Garm. Ngayon ay nakuha ko na... Apoy mula sa Mana at hindi mula sa Life Force ang kahinaan ng Garm. At isa kang Mage tama ba?
Sabi ni Wesley sabay turo kay Orleno.
Ngunit hindi umiimik si Orleno at nakatutok lang ang kanyang mga kamay kay wesley.
Teka? Bakit ako ang tinututukan mo? Hindi ba dapat yung halimaw? Hindi bat ikaw ang nagpahina sa kanya? Bakit ngayon ay inililigtas mo na siya sa kamay ng batas?
Tanong ni Wesley.
Hindi ko rin alam. Pero ayon sa taong ito wala sa katinuan ang taong iyon kaya siya naging isang halimaw. Tapos na ang trabaho ko. Napigilan ko na ang Halimaw. Pero ngayon oras na upang mag bayad ng utang na loob.
Sabi ni Orleno.
Hahahahahaha!! Ganyang ka ba kahangal? Ngayon mo lang nakilala ang taong iyan at agad mo siyang pagkakatiwalaan? Hindi ka nagiisip!! Paano kung isa sa mga terorista iyan? Edi kesa naging bayani ka e naging kasama ka pa ng mga gumugulo sa kapayapaan ng Bal-Hama.
Sabi ni Wesley.
Nagisip din si Orleno sa mga sinabi ni Wesley.
Si Kraden naman ay tumingin lang kay Orleno. Mata sa mata. Upang mapatunayan niyang sinsero siya.
Hmp. Iniligtas niya ang buhay ko ng dalawang beses. Sapat na iyon upang pagkatiwalaan ko siya.
Sabi ni Orleno.
Biglang tumahimik ang paligid at tila naiinis na si Wesley.
Ah ganon? Pwes kelangan ko pala kayong burahin sa landas ko upang makuha ko lang ang halimaw na iyan?
Tanong ni Wesley.
Kung gusto mo ng laban pagbibigyan kita.
Sabi ni Kraden.
Ano? May sinasabi ka ba?
Tanong naman ni Wesley.
Isang duwelo. Kapag tinalo mo ako makukuha mo ang taong nasa ibaba. Pero kapag tinalo kita ay aalis ka na.
Sabi ni Kraden.
Huh? Hahahahaha!! Baril ang gamit ko! At espada lang ang sayo tapos gusto mo ng duwelo?
Tanong ni Wesley.
Para maging patas gusto ko ng Mano Y Mano. Kamao lang ang gagamitin.
Sabi ni Kraden.
Nagpapatawa ka ba? Nasa akin na ang kalamangan e pagbibigyan pa kitang pumatas? Mag paalam na kayo!
Itinutok na ni Wesley ang baril sa dalawa ng biglang dumating ang ilang sundalo ng Bal-Hama kasama ang kapitan.
Ano nasaan na ang halimaw?
Tanong ng kapitan.
Nasa ilalim ng hukay na iyon.
Pero pag lingon ni Wesley ay biglang nawala sina Kraden at Orleno.
Ano nasaan sila?
Gulat na gulat na sabi ni Wesley sabay takbo patungo sa hukay.
At pagtingin niya sa ilalim ay wala na si Vlade doon.
Ang hindi nila alam ay gumamit nanaman si Kraden ng White Lightning Speed na pinahiram ni Tenkka.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...