Isang malagim na trahedya..Iyan ang naging katapusan ng labanang Khail at mga Thunder Aeon. Sinaksak ni Khail ang kanyang amang Aeon na si Ramman at napahawak ito sa kanya.
Kk..hail.. An..ak. .. Mahal na mahal ka namin ng iyong ina.
Kahit hinanghina ay nasabi pa ito ni Ramman. Gulat n gulat naman si Khail dahil kahit tinraydor niya ang ama ay nasabi pa rin niya iyon.
Tumigil ka!! Sigaw ni Khail.
Ngunit sa diinaasahan ay tumulo ang luha ni Khail.
Ppa..ta..warin m..o ako.. Anakk..
Muling bulong ni Ramman kay Khail.
Agad binunot ni Khail ang patalim sa dibdib ng kanyang ama ngunit bago pa man ito bumagsak ay niyakap ni Khail si Ramman. Bakas sa mukha ni Ramman ang ligya at ilang saglit pa ay nalagutan na ito ng hininga.
Anu ba ang nagawa ko?
Tanong ni Khail sa sarili..
Inihiga ni Khail ang labi ng ama habang unti unti itong naglalaho at ang mana force nito ay humahalo na sa hangin..
GRRRAAAHHHH!!!!
Ito ng palahaw ng galit at pagsisisi. Bakas ang luha at matinding lungkot..
Dahil wala na si Ramman ay nawala na din ang pwersang nagpapalutang sa bato. Unti unti na itong bumababa at malapit ng bumulusok.
Biglang sumulpot sa likod ni Khail ang isang taong di niya inaasahan..Nakita na ni Khail ang aninong papalapit sa kanya.. At pag lingon niya ay nakita niya kung sino ng taong ito..
Ikaw?..
Sabi ni Khail
Oo tara nat guguho na ng lugar na ito.
Sabi ng taong iyon.
Inalalayan ng taong dumating si Khail at nagteleport sila patungo sa kinaroroonan ni Gexus.
Nagulat si Gexus ng dumating ang dalawa.
At nakita nga ni Gexus yung tumulong kay Khail.
Orgus?Anung...Mga kawal paslangin ng taong ito.
Utos ni Gexus sa mga kawal malapit sa kanya.
Wag! Sabi ni Khail.
Gexus...Siya ang sinasabi kong lihim na kakampi..
Dagdag ni Khail.
Napatingin nalang si Gexus kay Orgus ng marinig niya ng sinabi ni Khail.
At paanong nangyaring nasa panig natin ang isang Solara?Ha Khail. Malakas na tanong ni Gexus.
Mahabang kwento Gexus at kailangan ko pang gamutin ang akin sugat.Hindi ko ito maigalaw kayat hindi ko na rin kayang lumaban.
Tila nainis si Gexus sa mga nangyayari.
Asar!Paano na ang digmaang ito! Kung hindi mo matatawag si Azrathel Novis?!
Galit na tanong ni Gexus.
Umatras muna tayo.Hindi mo ba nakikita? Unti unti ng nauubos ang mga kawal ng Noctraska.. At hindi pa nga tinatawag ni Xehans ang Aeon niya.
Sabi ni Orgus.
Bwisit!Sambit ni Gexus.
Sa kabilang dako naman sa lugar kung nasaan sina Virian at Xehans.
Xehans! Si Orgus! Nahuli siya ng kalaban.
Sabi ni Virian habang nakatingin sa kanyang binoculars.
Ano?!Paanong!?Hindi ganoong kadaling matatalo si Orgus at alam kong hindi siya magpapahuli ng buhay. Pero..Bakit kaya siya dumiretso sa labanan at hindi tinawag ang Aeon niya.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...