Grrraaahhh!!!
Palahaw ni Khail dahil sa sobrang sakit na dulot ng Spell.
Umaangat sa ere ang parehong katawan nina Khail at Gexus at ilang saglit pa ay bumagsak na ang katawan nilang dalawa.
Dahan dahang tumayo si Khail..
Nakahawak sa kanyang mukha..
At gaya ng inaasahan ay lumipat na nga ang kaluluwa ni Gexus sa katawan ni Khail.
Hahahaha nasa akin na! Hahaha dapat pala noon ko pa ginamit sayo ang pinagbabawal na Spell na iyon! Hahaha. Ngayon!! Nasa akin na ang kapangyarihang tawagin si Azrathel Novis!!
Dahan dahan ding bumangon si Gexus na ang nasa loob ay walang iba kung hindi si Khail.
Gexus! Wag mong gawin iyan! Nagkakamali ka kung akala mong ganoon ka dali ang tawagin si Azrathel Novis.. Kaya ko nagdadalawang isip na tawagin si Azrathel Novis ay isa na doon ang pagkawasak ng lahat at ang pangalawa ay...
Isa iyong Tribute Summoning!
Nagulat si Khail na ngayon ay si Gexus noong marinig iyon.
Kasinungalingan!! Papaanong isang Tribute Summoning ang pagtawag kay Azrathel Novis? Ha?!!
Samagot si Khail na nakay Gexus.
Sinabi iyon sa akin ng aking ama na si Ramman sa panaginip habang akoy nagpapagaling. Sinabi niya na kapag tinawag si Azrathel ay kakailanganin ng matinding bilang Life Force. At maaari ko iyong ikamatay.
Hindi makapaniwala si Gexus sa kanyang narinig at tila naguguluhan na.
Sinungaling ka! Khail!! Walang pwedeng pumigil sa pag dating ng matinding kadiliman!! Kayat tatawagin ko na si Azrathel Novis!
Agad kinuha ni Gexus ang purong Mana ng Solara at hinigop ang lahat ng mga Manang iyon.
At matapos noon ay inilabas na ni Gexus ang mana ng Noctraska upang mag halo ang dalawa.
Gggrrrraaaaaahhhh!!!
Lalo pang nilakasan ni Gexus ang sigaw upang ilabas ang pinaka purong Mana ng Noctraska sa katawang iyon ni Khail.
Nabalot siya ng kulay ubeng kidlat at may lumitaw na Magic Circle sa paanan ni Gexus.
Nagiba ang boses ni Gexus at tila isa na itong dyablo.
Tinawagan kita!!Ang pinaka malakas na Aeon!! Tinatawagan kita!!!
AZRATHEL NOVIS!!!
Biglang dumilim ang kalangitan kasabay noon ay malalakas na pagkidlat iyon na ang mga signos na paparating na si Azrathel Novis. Ngunit tila wala pa rin ang Aeon. Dahil doon ay naguumpisa ng magtaka si Gexus.
Nakita ng lahat ang nangyayari at natakot ang lahat dahil tila alam na nilang darating na si Azrathel Novis.
Agad nagtungo ang mga Thunder Aeon sa kinaroroonan nina Gexus at Khail.
Habang si Virian at Death wing ay patuloy pa din sa pakikipag laban.
Ang natitira namang hukbo ni Heneral Victus Ballestine ay dumidepensa lang at nagaantay ng utos mula kay Virian.
Sa ibabaw naman ng malaking tipak ng bato ay patuloy pa din sa pag sulat ang Hystoris sa mga nangyayari at ang Vashro naman ay nagumpisa ng magdasal upang makausap ang mga Deon.
Agad natanggap ng mga Deon ang mensahe ng Vashro. Kayat pinagpasyahan nilang silipin ang mga nangyayari.
Grrr... Bakit wala pa si Azrathel Novis? Anu bang nangyayari? Grr... Totoo kaya ang sinasabi ni Khail?
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...