Pagkatapos ng seremonya ay nagpaalam saglit si Kraden sa kanyang mga magulang.Gusto muna niyang umuwi dahil sa sobrang sama ng pakiramdam.
"Ama..Uuwi muna ako upang magpahinga.Masama po talaga ang pakiramdam ko e."
Nagulat sina Guardian Vargas at Gwenneth sa nakita nila ang lubusang pag kaasul ng mga mata ni Kraden.
"Ama.Ina..Anung problema?"
Tanong ni Kraden sa mga magulang niya.Di nag salita sila Guardian Vargas at Gwenneth.Nang biglang ...
"Guardian Vargas.Guardian Gwenneth.Kailangan na po kayo ng mahal na hari at reyna.Magsisimula na po ang pulong kasama ang mga Sagradian"
Sabi ng dumating na gwardya.
"Sige susunod na kami."
Sagot ng Guardian Vargas sa sundalo.Nilapitan naman ni Guardian Gwenneth sina Kraden at ang mga kaibigan niya.
"Sige na anak.Magpahinga ka muna."
Sabi ni Guardian Gwenneth kay Kraden.At sinamahan na nga si Kraden ng mga kaibigan niya pauwi.
Sabay namang nagpunta sina Guardian Vargas at Gwenneth sa lugar ng pagpupulong.
"Vargas...Ano nang gagawin natin?Lumalabas na ang mga signos..."
Nagaalalang tanong ni Guardian Gwenneth kay Vargas.
"Panahon na...Upang maging Guardian si Kraden.Ang paglabas ng mga signos ay tanda upang maprotektahan niya ang kanyang sarili...Ito ang tadhana ng batang iyon.."
Tugon ni Guardian Vargas sa tanong ni Guardian Gwenneth na bakas din ang pag aalala.
Nakarating na rin sila sa lugar ng pulong.
Nakaupo ang mga deligado ng Sagradia kasama ang emperador sa isang mahabang lamesa.
Nakaupo din sa naturang lamesa sina haring Golfodd,reyna Narcen at ang mga ministro ng Zargrand.
Nakaupo naman sa kaliwa ng hari si Juris Indigo.
At nag simula na nga ang pulong.
"Emperor Xarhagard..Ano ba talaga ang pakay niyo sa Zargrand?Siguro naman hindi lang Tarchin ang ipinunta niyo dito?Hehe."
Tanong ng hari sa emperador na may halong biro.Ang Tarchin ay local na pagkain sa Zargrand gawa ito sa malagkit at parang biko ang pagkakaluto.
"Pala biro ka pa din haring Golfodd..Dederetsohin na kita...Natagpuan na ang Sphero.."
Napatayo sa kinauupuan niya si haring Golfodd.
"Imposible!!Panong?!....Hindi bat itinago iyon ng mga Deon?!"
Gulat na sagot ng hari.Napuno ng pangamba ang silid.Kitang kita rin sa mga mukha nina Guardian Gwenneth at Vargas ang pag kagulat sa narinig.
Maging si Juris Indigo ay di makapaniwala.At siya naman ang nagtanong sa Emperador.
"May katibayan ba kayo na magpapatunay ng pagkakahanap sa Sphero?"
Nang sabihin iyon ni Juris Indigo ay tumayo ang emperador.
Kinuha niya ang isang maliit na kahon at binuksan niya ito sa harap ng lahat.
Pagbukas ng emperador sa kahon ay halos manlaki ang mga mata ng lahat nang makita nga nila doon ang "Sphero".
Dito ikinulong ng mga Deon si Azrathel Novis noong huling digmaan.
Di makapaniwala ang hari sa kanyang nakita.Tumayo siya at nagtanong.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...