Samantala sa isang lugar kung saan walang nakakaalam at tila isa tagong parte sa kakahuyan.
Tsk. Ano bang gagawin ko sayo. Hindi mo ba alam dahil sayo namatay ang mga kasama ko? Hay ang tagal naman ng matandang iyon.
Sabi ng isang lalaki na tila kasama ng mga taong dumukot kay Anya.
Si anya naman ay nakatali ng tela ang bibig at nakatali din ang mga kamay.
Takot na takot ito at tila naiiyak na.
Dahil madilim ay gumawa ng maliit na bon fire ang lalaki. Tila may inaantay din ito.
Ilang saglit pa ay dumating na ang hinihintay ng lalaki. Dalawang nakatalukbong na lalaki. At pag katapat nila sa liwanag ay nag tanggal ito ng talukbong. Sila ang dalawang miyembro ng konseho.
Nilapitan ito ng ninja.
Oh bakit ang tagal niyo. Siguraduhin niyo lang na malaki ang ibabayad niyo dahil apat sa mga kasamahan ko ang naubos sa pag kuha lang sa babaeng to.
Sabi ng ninja.
Huwag kang mag alala. Malaki ang makukuha mo 500 ginra sa bawat buhay na nalagas sa grupo mo. Saka nagtagumpay kami sa plano namin na paalisin sa Karahi si Vlade.
Ang Ginra ay ang ginagamit na pera sa Northern Continent gawa ito sa bakal na tinatawag na Calkul.
Nakita ni Anya ang mga mukha ng mga ito at matinding galit ang naramdaman nito. Tumingin sa kanya ang dalawa at ngumiti.
Kamusta ka na Anya? May masakit ba sayo? Hehe..
Sabi ng isang miyembro ng konseho.
Masama lang ng tingin ni Anya sa matanda. Matinding puot ang kanyang nararamdaman niya dahil alam niyang nagtraydor sa kanila ang dalawa.
Anya.. Ngayon ay pinaghahanap ka na ng iyong kapatid. Marahil ay papunta na siya sa Sagradia hehe.. Iniisip kase niya na Sagradia ang nagpadukot sayo. Hehe.. Para siyang isang usa na pumasok sa kulungan ng mga leon. Haha.. Yan ang napapala niya dahil masiyado siyang malambot. Hindi niya kayang maging pinuno at napakadali lang na patalsikin siya. Haha..
Sabi ng isa pang miyembro.
Inabot ng isang miyembro ang konseho ang kabayaran sa ninja.
Heto na ang kabayaran. Lumayo ka na dito at wag ka nang magpapakita.
Sabi ng nagabot ng bayad.
Teka anong gagawin ko dito?
Tanong ng ninja.
Patayin mo na. O kahit ano. Basta hindi na siya makakabalik ng Karahi. Ikaw na ang bahala.
Sabi ng miyembro na kumausap kay Anya.
Matinding takot muli ang naramdaman ni Anya ng marining ang sinabing iyon ng matanda.
Sige! Sige! Ako na ng bahala dito.
Pag kasabi noon ng ninja ay agad namang umalis ang dalawa.
At si Anya na lamang at ang ninja ang natira.
Masama ng tingin ni Anya sa ninja kayat medyo nainis ito.
Hoy. Bakit ang sama mo tumingin? Ano papatayin mo ko tulad ng ginawa ng kuya mo sa mga kasama ko? Ha? Hehe.. E nakatali ka nga diyan eh. At anong magagawa mo? Haha.. Hangal na Anhaki.
Sabi ng ninja.
Ngunit patuloy pa din si Anya sa pagtingin ng masama.
Eh.? Matapang ka ah.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
خيال (فانتازيا)This is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...