CHAPTER 47: Eternal Nightmare

817 34 0
                                    

Natalo si pinuno?! Naku! Katapusan na natin!

Gulat na sabi ng isa sa mga bandido.

Labanan natin ang halimaw na iyan! Isinakripisyo ni pinuno ng buhay niya para sa ating lahat ngayon tayo naman ang makikipag laban. Grrraahhh!!!

Sabi naman ng isa ding bandido sabay sugod kay Dekard.

Grraaahh!

Habang sumusugod ang bandido ay nakangiti lamang si Dekard. At ng tuluyan nang makalapit ang bandido sa kanya ay agad niyang sinipa ito.

Sswwwwooop!! Pak!!(sfx)(kick hit)

Gyaaahh!!

Sa sobrang lakas ng sipa na iyon ay nadurog ang katawan ng bandido.

Noong makita ito ng ibang bandido ay matinding takot agad ang naramdaman nila. Halos hindi na sila makagalaw sa takot.

Aanoo.. Nang.. Gagawin.. Na. Natin?

Nangangatog na tanong ng isang bandido sa kapwa niya.

Lalaban!

Sagot nito.

Ano?! Nababaliw ka na ba?!

Nakikita mo si pinuno?!

Tanong ng bandido.

Agad niyang tinignan si Goris at nakita niyang unti unti itong bumabangon.

Nakita mo?! Kung si pinuno ay patuloy pa ding lumalaban hindi ba dapat tayo din?

Biglang napaisip ng isang bandido.

Patawad kung natakot ako. Lalaban din ako!! Lalaban tayo!!

Sigaw ng isang bandido.

Nakita itong lahat ni Goris at napangiti ito.

Hehe..he.. Gganyan nga.. Mga. Bata.. Lalaban.. Tayo.

Sabi ni Goris kahit hinanghina.

At sabay sabay ngang sumugod ang mga bandido sa malahinganteng si Dekard.

Hmm.  Wala pa rin kayong dala! Pwes uubusin ko kayo sa isang tira lang!

QUAKE STOMP!

GRRAAAHHH!!! BOOM!(SFX)(HIGH IMPACT STOMP)

Felefe bandits! Hiwalay hiwalay.

Utos ng isang tila tumayong kapitan.

At sabay sabay nga silang nakailag sa napakalakas na pagatakeng iyon ni Dekard.

NGAYON NA!!

At mula sa kakahuyan ay biglang lumipad ang napakaraming palaso.

Shuuf! Shuuf! Shuuf! Shuuf! Shuuf!(sfx)(arrows flying)

At tumama nga lahat ng ito kay Dekard.

Ano?! Mga ipis kayo!

Galit na galit na sabi ni Dekard.

At matapos noon ay sabay sabay na sumugod ang isang grupo ng mga bandido na may dalang kadena at agad itinali ang mga paa ni Dekard sa pamamagitan ng pag ikot ikot dito. At dahil sa mga palaso ay hindi na nagawang maawat ni Dekard ang mga ito.

SIGE NA!!

Sigaw ng kapitan ng bandido.

BOOM!!(SFX)(CANNON SHOT)

May kanyon palang nakatago sa kakahuyan.

BOOM!!URRGGGHH!!

At tinamaan nga si Dekard ng kanyon.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon