CHAPTER 8:The White Lightning

1.9K 75 6
                                    


Grraaaahhh!!!

Ito ang hiyaw ni Tenkka ng makitang pumanaw ang isa sa kanyang kasamahan.

Matinding labanan naman ang nangyayari kay Dophar at sa kalaban niyang Djinn.

Parehong may malakas na pangangatawan ang dalawa at bawat hataw nila ay yumayanig ang paligid.

"Ito ang tanggapin mo.Thunder Clap!!"

CRUSHHH!!!(Sfx)

Tinamaan ang Djinn at naglaho.

Hinang hina si Dophar matapos ang kanilang pakikipag laban kusa nalang bumigay ang katawan nito dahil sa sobrang pagod.Bumagsak si Dophar sa lupa ngunit humihinga pa ito.

Nakita ni Mirka ang nangyaring iyon kay Dophar at gusto na niya itong puntahan ngunit tuloy pa din sa pag sunod sa kanya ang Djinn na kaharap niya.

Sabayan niya itong nilabanan.

Gumawa siya ng limang Thunder clones upang atakihin ang Djinn ngunit hindi ito mahawakan ng mga Clones.

May kahinaan din ang technique na iyon ni Mirka dahil pag lumagpas ng isang kilometro ang mga Clones ay maglalaho ito.

Walang ano ano ay mabilis na sinugod ng Djinn si Mirka.Sa sobrang bilis ng pag atake ay agad nakalagpas sa mga clones ang Djinn.

Tsukk!(Sfx)(Stabbed)

Nasaksak ng espada ng Djinn si Mirka.

Ngunit nahawakan ni Mirka ang talim ng espada at inutusan niya ang mga Clones na atakihin ang Djinn.

SLASSHH!!

SLASSHH!!

SLASSHH!!

Nagkapirapiraso ang Djinn at nag laho.

Agad namang bumagsak si Mirka ngunit kahit nakahiga ay pilit niyang ginagamot ang sarili.

Nasaksihan ni Tenkka ang unti unti nilang pagkaubos.

Hindi siya makapaniwalang ganon lang kadaling matatalo ang mga kasamahan niya.

Matinding takot ang naramdaman ni Tenkka.Hinawakan niya ang kanyang kwintas at tila may plano itong gawin

Nagliwanag ang kwintas at sumunod na din si Tenkka.

Nang makita iyon ng Djinn na pumaslang kay Zu ay agad itong lumusob.

GRROOWWLL!!

Animoy ungol ng isang nakakatakot na halimaw ang lumabas na tunog sa Djinn.

Biglang nagliwanag si Tenkka at bigla itong naglaho.

Hinanap siya ng Djinn na palingonlingon sa paligid.Pagkahakbang ng Djinn ay bigla itong nawasak.

Nagulat si Khail sa nangyaring iyon sa Djinn.

"Anung nangyare sa Djinn?Bakit ito nag kapirapiraso?"

Tanong ni Khail sa sarili.

Nang biglang sumulpot sa likoran niya si Tenkka.Napakabilis nito at tila naging puti ang kanyang buhok at may liwanag na lumalabas sa kanyang katawan.

Napaisip si Ramman kung ano ang nangyayari at napagtanto niya ito.

"Ginamit na ni Tenkka ang kwintas...Ginamit na niya ang Deon's Light.Sa estado ng katawan niya ngayon di malayong naabot na niya ang pagiging White Lightning."

Sabi ni Ramman habang nasa loob ng isang barrier na gawa sa kidlat.

Binulungan ni Tenkka si Khail.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon