Bayan ng Gnos. Ito ang bayan sa labas ng Main City ng Zargrand Kingdom. Kung saan nakatira si Kraden Ballestine. Isang Squire. Sa pag tungtong ng isang maharlika sa edad na 18 ay idinadaos ang kanyang seremonya ng pagganap. Ang seremonyang iyon ay magbibigay sa isang maharlika ng ganap na karapatan at kakayahan upang maging isang Summoner. Ginaganap din sa araw na ito ang isang pista upang ipag diwang ang pag ganap ng isang maharlika. Itoy dinadaluhan ng mga importanteng tao at personalidad sa buong kontinente ng Cenkal.
"Kraden! Kraden! Gising na!"
Malakas na tawag ng isang babae galing sa labas ng bintana.
Unting unting dinilat ni Kraden ang kanyang mga mata at tila inaantok pa.
"Kraden!!Magsisimula na ang serimonya sa palasyo!!Gumising ka na dyan"
Sigaw din ng isang lalaki mula sa labas. At biglang napabalikwas mula sa higaan si Kraden..
"Naku! Oo nga pala!Lagot nanaman ako kay ama nito!!"
Dali daling naligo at nag bihis si Kraden. Kinuha niya ang kanyang espada at bumaba sa salas at dumiretso sa pinto.
Pag bukas niya ng pintuan ay naghihintay na doon ang dalawa niyang kaibigan na si Rigor at Lilica.
"Tsk.Ito talagang kaibigan ko walang pagbabago..Pinapasundo ka na ng Punong taga pag bantay.Naku yare ka nanaman sa ama mo.hehe"
Pabirong sinabi ni Rigor.
"Halina tayo sa palasyo malapit na ang serimonya ng pagiging summoner ng prinsesa"
Sabi ni lilica.
At sinimulan na nilang mag lakad patungong palasyo.
Sa kanilang pag lalakad ay napansin ni Kraden na parang may malalim na iniisip ang kaibigang si Rigor.
"Rigor..Nakakapanibago ka ah? Bakit parang ang tahimik mo?"
Nag tatakang tanong ni Kraden.
"Si Kuya Reddan. Di pa siya bumabalik sa kanyang paglalakbay ."
Malungkot na tugon ni Rigor.. Tumingin si Rigor kay Kraden at sabay ngiti.
"Alam kong naglalakbay pa rin si kuya..At pagbalik niya siguradong mas magaling nanaman siya sa akin gumawa ng sandata..hehe"
Patuloy silang nag lakad. Habang papalapit na sila sa tarangkahan ng Zargrand ay unti unting kumakapal ang mga tao. Nag madali sila sa paglalakad at nang nasa tarangkahan na sila ay hinarang sila ng mga gwardya.
"Tigil!"
Sambit ng gwardya.
Lumapit si Kraden sa mga gwardya at nag pakilala.
"Ako si Kraden Ballestine..Anak ni Guardian Vargas ng Zargrand!Kami ng mga kasama ko ay imbitado sa serimonya ng prinsesa. "
Nagtinginan ang dalawang gwardya at sabay silang tumingin kay Kraden at nagtanong.
"kung totoo ang iyong sinasabi..pwes nasaan ang inyong imbitasyon?"
Nabigla si Kraden at napakamot sa ulo..
"Waahh!Nakalimutan ko sa lamesa!Hayyy!!!"
"Ano?!"
Magkasabay na nasabi nina Rigor at Lilica.
Lumapit na din ang isang gwardya at pilit na silang pinapaalis. Nang biglang may isang taong nag salita.
"Papasukin sila..Meron silang imbitasyon galing mismo sa hari."
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...