Nagharap nga ang mag amang Ostwigg at ang pwersa ng Magiskon.
Alam kong nais mong manatili sa iyo ang pamumuno sa Magiskon kaya mo ito ginagawa pero tulad noong huli pa dadapain kong muli ang pwersa niyo!!
Sabi ni Gregio.
Hehehe.. May sorpresa ako sayo Gregio. Hindi na ako tulad noong nakaraan.. Mas malakas na ako ngayon at halos doble pa ang kapangyarihan.
Sabi ni Master Managrey.
Tama na ang satsat at tapusin na natin ito!
Sigaw ni Zeonth sabay porma para lumaban.
Magiingat ka Zeonth para sa anak natin.
Sabi ng kanyang asawa.
Wag kang mag alala bastat protektahan mo nalang ang anak natin wag na huwag mo siyang pababayaan.
Sabi ni Zeonth sa kanyang asawa sabay halik sa noo nito.
Tayo na Zeonth tapusin na natin ang mga hangal na ito.
Sabi ni Gregio habang naglalakad patungo kila Master Managrey at habang pinapatunog ang mga kamao nito.
Agad pumwesto ang mga Wizard na kasama ni Master Managrey sa kanikanilang pwesto. Bumuo sila ng hugis bituin dahil ito ay simbulo ng napakalakas na mahika.
Hmp. Walang kwentang spell nanaman ba ang ipanglalaban mo sa akin ha? Managrey?
Tanong ni Gregio.
Sige subukan natin ngayon ang mas malakas na spell ko!
BURNING ARROWS!!
Biglang nagpalabas ng mga palasong gawa sa apoy si Managrey.
Fwwooomm!!! Fwooomm!!(sfx)(Fire Arrows Flying)
Heh. Wag kang magpatawa Managrey.
ICICLE WALL!!
Agad nagpalabas ng isang pader na gawa sa yelo si Gregio at ginamit ito upang salagin ang pagatake ni Managrey.
MGA WIZARDS NGAYON NA!!
Sigaw ni Managrey at agad ngang pinagana ng mga Wizard ang kanilang Spell.
SEALING SPELL!!
STAR OF TORMENT!
Mabilis nabuo ang isang napakalaking hugis binutin na kulungan at agad itong pinalipad kay Gregio.
AMA! UMALIS KA DIYAN!!
Sigaw ni Zeonth.
Wag kang mag alala anak. Isa lamang pambatang spell ang ginawa nila.
Bago paman tumama kay Gregio ang Spell ng mga Wizard ay agad siyang nakagawa ng Barrier.
Pag tama ng Spell sa barrier ni Gregio ay agad itong pumaikot dito at mayamaya ay sinakop na nito ang Barrier kasama na doon si Gregio.
Nakita ito ni Zeonth at agad sumaklolo sa ama.
MAGIC DISPEL!
Agad gumamit ng Magic dispel si Zeonth ngunit nagtaka ito kung bakit nakabalot pa din ang Spell ng mga Wizard sa barrier ni Gregio.
Ano!? Bakit hindi tumalab?
Tanong ni Zeonth.
Hahahahaha!! Hangal!! Ano?! Pambata pa rin ba? Hahaha!! Ang pinagsama samang Mana ng mga mamamayan ng Magiskon ang siyang tumutulong upang lalo pang gawing mas malakas ang Sealing Spell na iyan. Kahit ang isang Ostwigg ay hindi kayang labanan ang ganoon kalakas na Mana Force! Hahahaha!!
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasiThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...