Tahimik lang ang paligid at nakikiramdam lang ang mga miyembro ng Vanguards.
At matapos ang ilang sandali ay dahandahang lumabas sa pagkakatago sa mga puno ang mga malahiganteng nilalang na kalahating tao at kalahating toro. May hawak silang malalaking maso na kayang dumurog ng kahit ano sa isang wasiwas lang. Ang bilang nila ay nasa labing lima at lahat ay handa sa pakikipaglaban.
Sila ang mga Tauron .
At sila ay kilala na miyembro ng pwersa ng Nazul Vergatt.
Laking gulat ni Korvin ng makita ang mga ito.
Tauron?! Bakit kayo nandito?! Isa itong pag labag sa kasunduan ng mga nilalang sa Galfia. Umalis na kayo sa islang ito ngayon din!
Galit na sabi ni Korvin.
Pisshhh (sfx) (steam breathing)
Hehe... Wala kaming paki alam sa kasunduang iyon. Ang lahi ng mga Tauros ay matagal ng nakabukod sa Nazul Vergatt. At akala niyo ba hindi namin alam ang pakay niyo sa islang ito? Hmm?
Sagot ng halimaw na tila pinuno ng grupo.
Biglang napaisip si Amerie kung ano ang sinasabi ng halimaw.
Maari kayang nalaman ng mga Tauron ang misyon namin?
Tanong ni Amerie sa sarili.
Kung gayon dahil hindi naman na kayo miyembro ng Nazul Vergatt ay maaari na pala namin kayong paslangin! Vanguards maghanda sa pakikipag laban!
Sabi ni Korvin.
Hmmm.. Masyado kang mainit tao! Hindi pa nga ako pormal na nakakapagpakilala ay nais mo na akong paslangin. Hehehe.. Ako nga pala si Asmon. Ang pinuno ng mga Tauros.
Sabi ni Asmon.
Kung ayaw niyong mapaslang ay lisanin niyo na ang isla ngayon din! Ang ginawa niyo ay paglabag sa kasunduan ng mga nilalang kayat maari namin kayong paslangin sa ngalan ng Zargrand.
Sabi ni Korvin.
Hmm.. Isa lang naman ang nais natin.. Ang malaman kung nandito nga ang katawan ng maalamat na Aeon na si Azrathel Novis.
Sabi ni Asmon.
Nabigla ang mga Vanguard sa kanilang narinig.
Saan mo nalaman ang bagay na iyan? Ang misyong ito ay sinikreto at tanging mga miyembro lamang ng Vanguards ang nakakaalam.
Tanong ni Amerie.
Hehehe.. Hangal na mga tao! Anong akala niyo sa amin? Walang pakiramdam?! Alam ko na may kakaiba sa islang ito. Ayon sa aming mga ninuno ay hindi pa man nag sisimula ang Summoner Wars ay wala pa ang islang ito sa parteng ito ng karagatan kaya laking gulat namin na matapos ng digmaan ay bigla na lamang itong sumulpot. Noon ay hindi pa kami makapag imbestiga sa islang ito. Ngunit ngayong nasa panahon na tayo ng kapayapaan ay baka may matuklasan na kami.
Sagot ni Asmon.
Kung gayon. Sana naman ay hindi kayo maging hadlang sa aming misyon. Ang tagumpay ng misyong ito ay tagumpay ng buong Galfia. Hindi namin hahayaan na mapasakamay ng Sagradia ang katawan ni Azrathel Novis. Sana gayon din ang pakay niyong mga Tauron.
Sabi ni Korvin.
Pssshhhh!! (sfx)(Steam Breathing)
Asahan mo na iisa ang ating layunin. Ang panatilihing mapayapa ang Galfia.
Sabi ni Asmon.
Nawala ang tensyon sa dalawang kampo at nagkasundo ang mga ito na magsama patungo sa kwebang hinihinalang kinaroroonan ng katawan ng maalamat na Aeon.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...