CHAPTER 12:The Black Army

1.6K 56 4
                                    

Napaka laki ng pwersa ng Noctraska.Ang mga sundalo ay nakabaluting itim at kung titignan mula sa kalangitan ay parang isang dagat na kulay itim.

Biglang lumapit ang isa sa mga Heneral ni Xehans sa kanya.

Master Xehans..Lubos na marami ang bilang nila sa atin..Anung pong plano niyo?

Tanong ng Heneral.

Wag kang mag alala..Si Locth ang bahala sa atin.Ang kapangyarihan ng kalikasan ay higit na mas malakas kesa sa mga sundalong iyan.

Lumapit din si Virian sa kanya.

Handa ka na ba Xehans? Napakarami ng mga kalaban natin..At ang mga baluting suot nila..Ngayon ko lang ito nakita.

Sabi ni Virian.

Oo..Alam kong espesyal ang mga itim na baluting iyan..Pero naniniwala ako sa kakayahan natin..Kaya nating manalo..

Sagot ni Xehans.

Tamang tama lang ang pag dating ng mga Thunder Aeons na si na Dophar Mirka at Tenkka.

Lumapit naman si Tenkka kay Xehans.

Handa ka na ba Tenkka?

Tanong ni Xehans.

Oo..Kung kailangan kong mag sakripisyo para matapos ang digmaang ito ay gagawin ko.

Sabi ni Tenkka.

Pero ang kapangyarihan mo?Bumalik na ba?

Tanong ni Xehans.

Hindi muna nagsalita si Tenkka at tila malalim ang iniisip.

Matapos ng ilang saglit ay sumagot na ito.

Hindi pa... May mga kailangan pa akong gawin upang maibalik iyon.

Sagot ni Tenkka.

Tulad ng ano?

Tanong ni Xehans.

Isang uri ng ritwal..Hindi ito sigurdong magpapabalik sa aking kapangyarihan ngunit wala nang ibang paraan.

Sagot ni Tenkka.

Pareho ang bawat kampo na nakakatanaw sa kalaban. Alam ng Noctraska na lamang sila sa bilang ngunit hindi lang iyon ang lamang nila.

Sa panig naman ng Noctraska ay nakasakay sa kanikanilang Zecos sina Khail at Gexus. Habang si Orgus naman ay nakatali ang kamay at nakakonekta sa Zecos ni Gexus.

Gexus..Para saan ang mga baluting ipinasuot mo sa mga sundalo natin?

Tanong ni Khail.

Hehehe..Espesyal ang mga baluting iyan.. Ipinagawa ko ang mga baluting iyan habang ikay nagpapagaling..Naninigurado lang naman ako.Hehehe.

Sagot ni Gexus na kitang kita ang kasiyhan.

At ano mismo ng espesyal sa mga baluting iyan?

Muling tanong ni Khail.

Kaya nitong humigop ng Mana mula sa mga pag atake ng kalaban. Nakaduktong ang mga Life Force ng mga sundalo natin sa mga baluting iyan. Kapag nakakuha na ng Mana ang mga baluti ay gagamitin natin ito upang gumawa ng Spell o di kaya i-summon si Azrathel Novis.

Sagot ni Gexus.

Napaka galing naman ng naisip mo Gexus..Wala silang kamalay malay sa haharapin nila.

Sagot ni Orgus.

Hmf..Manahimik ka at gawin mo nalang ang trabaho mo! Siguraduhin mong mai-sasummon si Azrathel Novis!

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon