Matagal nagtitigan ang dalawa at halatang may nabubuo ng tensyon sa pagitan nila.
Mga bata. Dalhin niyo ang mga sibilyan sa loob ng kakahuyan yung iba maiwan dito upang makipaglaban.
Utos ni Goris sa ilang mga tauhan.
Opo!!
At agad naman silang sumunod.
Siya nga pala hindi lang pala ako ang naparito kung hindi ang Bal-Hama Army din mismo.
Pag kasabi noon ni Dekard ay biglang nagsilabasan mula sa kanyang likuran ang mga sundalo ng Bal-Hama.
Doble ang dami nila kumpara sa mga naiwang tauhan ni Goris.
Heh. Talagang nagsama ka pa ng mga sundalo ha. Ganyan ka ba ka hina?
Tanong ni Goris na tila ba nangaasar.
Anong sinabi mo?! Kaya ko sila isinama dahil sa ulat na mga Refugees ang kumakanlong sa grupo niyo! Nararapat lang na sila ay hulihin dahil sa pagtakas nila sa digmaan noon.
Sagot ni Dekard.
Anong kasalanan nila?! Ha? Ang nais lang naman nila ay mabuhay ng mapayapa malayo sa gulo! Anong gusto niyo? Gawing sundalo ang mga mamamayan ng Bal- Hama para sa mga plano ng Sagradia? Ha? Saka lilinawin ko sa iyo hindi nila ako kinakanlong ako ang pumoprotekta sa kanila!!
Galit na sabi ni Goris.
Tama na ang maraming satsat! Sumuko kana! Hindi namin sasaktan ang mga tauhan mo kung sasama ka ng mapayapa.
Sigaw ng isang kapitan ng Bal-Hama army.
Anong hindi sasaktan? Gusto kong makalaban ang taong ito. Ayon sa mga ulat ay may kakaibang kapangyarihan daw ang iyong mga mata.. Hehe.. Ngayon natin malalaman iyan.
Sabi ni Dekard.
Sandali Dekard! Ang misyon natin ay hulihin si Goris pati na rin ang mga kasama niya. Hindi ang paslangin sila.
Sabi ng kapitan.
Manahimik ka! Pumayag lang ako na isama kayo dahil sa pakiusap si Direktor Akaros. Wag na wag kayong makikialam.
Sabi ni Dekard.
Biglang natahimik ang kapitan ng mga sundalo pero halatang halata na naiinis na ito kay Dekard.
Ngunit sa hindi inaasahan nila Dekard at ng kapitan ay biglang lumipad ang napakaraming palaso patungo sa kanila.
Shuuf!! Shuuf! Shuuf!Shuuf! Shuuf!(sfx)(arrows flying)
Nagulat ang dalawa pati na ang mga sundalo ng Bal-Hama.
graahhh!! Argghh!! Ughh!! Kyaahh!!
Tinamaan ang mga sundalo at pati ang kapitan ay napaslang. Tinamaan din si Dekard ngunit dahil sa kapal ng balat nito ay bumaon lamang ang mga palaso sa kanyang mga braso at binti habang na kasalag ito. May mga nakaligtas ding mga sundalo ngunit halos nangalahati ito.
Grr... Traydor kayong lumaban!! Dapat lang sa inyo ay mamatay!!
Galit na galit na sabi ni Dekard.
Hindi ba sabi ng kasama mo ay tama na ang satsat? Akala tuloy namin ay simula na ang labanan. Hehehe..
Mapangasar na sagot ni Goris.
Ginagalit mo talaga ako!! Humanda ka!!
LIFE STREAM RELEASE!! FOREST DEMON FORM!!
Walang anu ano ay biglang nag palit anyo si Dekard.
Muling namula ang balat nito at agad sumugod kay Goris.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasíaThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...