Dahan dahan ng lumalapit si Metal Hugger kay Kraden na may malaking ngiti sa kanyang mukha.
Ano Rokai? Huh? Sa tingin mo ba kaya mo akong talunin gamit lang ang Force Aura mo at mga suntok mo? Ha?! Bakal ang katawan ko at kahit anong gawin mo ay hindi mo ako kayang talunin.
Sabi ni Metal Hugger kay Kraden.
Agad namang pumorma si Kraden upang dumipensa. Pero alam niya na hindi niya kayang manalo kung mano mano lang ang labanan. Matinding panganib ang kinakaharap ni Kraden ng biglang may na pansin si Metal Hugger kay Kraden.
Huh? Ang mga mata mo? Naging asul na?
Sabi ni Metal Hugger na halatang nagulat ng mag iba ng mga mata ni Kraden.
Ha? Ano? Ang mga mata ko? Naging asul nanaman?
Sabi ni Kraden sa kanyang sarili. Ngunit matapos niyang sabihin iyon ay may narinig siyang tinig.
Tawagin mo ang Thunder Sword at kusa itong lalapit sa iyo.
Ang Thunder Sword?... Lalapit?.
Sabi ni Kraden.
At tuluyan na ngang nakalapit sa kanya si Metal Hugger.
Katapusan mo na Bata. Mag paalam ka na sa mga kaibigan mo.
Sabi ni Metal Hugger.
Nakatingin si Metal Hugger kay Kraden ng bigla ring tumingin si Kraden sa kanya.
Thunder Sword!! Tinatawag kita!!
Sigaw ni Kraden.
Mula sa malayo ay biglang may tila kidlat na papalapit sa kinaroroonan nila Kraden.
Tssshhiiikk!!(sfx)(Lightning spark)
Tumama ang kidlat sa mga kamay ni Kraden at naging Thunder Sword ito.
Ano?! May espada na siya ulit?
Sabi ni Metal Hugger.
Ha. Katapusan mo na pirata!!
Sabi ni Kraden sabay sugod kay Metal Hugger.
Halos matulala ang lahat sa mala kidlat na bilis ni Kraden.
Thunder Slash!!
Tsssshhhiikkkk!!!(sfx)(lightning)
At tinamaan ang kaliwang braso ni Metal Hugger.
Gyaaahh!! Ang braso ko!!!
Naputol ito at nalag lag sa sahig.
Ngayong may espada na ako.. Wala pa rin bang silbi ang pagiging Rokai ko?
Tanong ni Kraden habang nakatitig ang mga nakakatakot niyang asul na mata kay Metal Hugger.
Sa mga oras na iyon ay matinding galit na may halong takot ang nararamdaman ni Metal Hugger.
Ghh... Grr... Paanong ang kidlat ay naging espada?!!!
Tanong ni Metal Hugger na nalilito pa din sa nangyayari.
Dahan dahan namang lumapit si Kraden kay Metal Hugger.
Ano pirata? Tatapusin na ba kita? Ha?
Tanong ni Kraden na tila gusto nang pumaslang. Tila hindi na din si Kraden ang kanyang sarili.
TIGIL!!
Sigaw ng isang pirata.
Ibaba mo yang espada mo kung ayaw mong paslangin ko tong babaeng ito.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...