CHAPTER 49: Return Of The Wizards

915 36 2
                                    

Habang patungo sa bahay ni Lynn ay nagusap sila Rigor at Lilica.

Rigor hindi kaya patibong ito? Ito naman si Kraden paniwalang paniwala sa babaeng yan e ngayon lang naman natin nakilala yan.. At ang matindi pa nito ninakawan pa tayo.

Sabi ni Lilica kay Rigor.

Parang hindi mo naman kilala yang kaibigan natin. Hindi siya mapaghinala at ang tingin niya sa lahat ng tao ay mabuti.

Sagot ni Rigor.

Kahit na. Iba talaga pakiramdam ko sa babaeng ito.

Sabi ni Lilica.

At nakarating na nga sila sa tinitirahan ni Lynn. Ito ay nasa isang tagong lugar sa Magiskon at tila may kahirapan din ang lugar.

Ibang iba ang lugar na ito kesa kanina ah? Bakit may ganitong lugar sa Magiskon? Hindi ba isa sa pinakamayaman na bayan ang Magiskon?

Tanong ni Kraden.

Sa loob ko nalang ikekwento kung bakit kami nandirito.

Sabi ni Lynn.

At pumasok na nga sila sa bahay ni Lynn.

Maliit lang ang tinitirahan ni Lynn at ng kanyang mga kapatid gawa ito sa bato ngunit halatang lumang luma na ito.

Pagkaupong pagkaupo nila Kraden sa mga upuan sa bahay ni Lynn ay agad niyang inutusan ang kanyang mga kapatid na kumuha ng makakain sa kusina.

At pumunta nga ang dalawa sa kusina at naupo na din si Lynn ngunit tila tahimik ito .

Biglang nagsalita si Kraden.

Hindi mo ba papapasukin ang mga kasamahan mo sa labas?

Laking gulat ni Lynn ng sinabi iyon ni Kraden at hindi ito nakapagsalita.

Ano?! Patibong ito?

Sabi ni Lilica.

Lilica tumahimik ka nga.

Sabi ni Rigor.

Nakita ko sila nakatago sa mga anino ng mga matataas na gusali pati yung mga nakatambay sa dinadaanan namin. Alam kong nakatingin sila. Nagmamasid at ngayon nandiyan na sila sa labas ng bahay niyo.

Sabi ni Kraden.

Tama ka.. Kayat ibigay niyo na lahat ng gamit niyo kung hindi..

Kung hindi ano? Papaslangin niyo kami?

Tanong ni Kraden.

Huy Kraden tumigil ka nga.

Sabi ni Lilica.

Si Rigor naman ay tila walang kaba at handang handa ng lumaban.

Kung manlalaban kayo ay ganoon na nga ang pwedeng mangyari.

Sabi ni Lynn.

Biglang natahimik ang lahat at parang bumagal ang oras. Tanging kabog lamang ng mga dibdib ang naririnig.

BOO!*

Pagkasabi noon ni Kraden ay biglang pumasok ang mga kasama ni Lynn at inatake ang magkakasama.

Grraahhh!!!

Sigaw ng mga lumusob.

Pero muling ginamit ni Kraden ang kanyang kapangyarihan na maging mas mabilis pa sa kidlat.

Si Rigor ay nakangiti lang at si Lilica naman ay takot na takot.

Eeeekkk!!

Sigaw ni Lilica.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon