CHAPTER 44: The Battle's End

822 34 2
                                    

Kraden!!

Biglang napasigaw si Lilica ng makita niyang nakorner na ang kaibigan.

Muli siyang pinigilan ni Rigor.

Lilica magtiwala tayo kay Kraden! Ano ba!

Sabi ni Rigor.

Anong ano ba?! Rigor? Hindi mo ba nakikita? Mamamatay si Kraden. Sugatan siya marami ng dugo ang nawala sa kanya at alam naman natin na kapag nakakaamoy ng dugo ang Grimtooth na iyan ay dumudoble ang lakas niya.

Sabi naman ni Lilica.

Tinitigan lang siya ni Rigor sa mata at tila may pinahihiwatig ito.

Biglang natigilan si Lilica.

Wag mong sabihing...

Ano? Nakuha mo na ang ibig kong sabihin?

Tanong ni Rigor kay Lilica.

Biglang may naalala si Lilica at tumingin sa kinaroroonan ni Kraden.

Nakita niyang nakangiti ni si Kraden habang nakasandal sa pader.

Hmm.. Anong ngini ngiti ngiti mo? Ha?! Hahaha.. Nababaliw ka na ba dahil alam mong mamamatay ka na? Ha? Pwes humanda ka ng mamatay!

Itinaas na nga ni Grimtooth ang kanyang espada at handa na itong tapusin si Kraden.

Mamatay ka!!

Slasshh!!! Chinkk!!(sfx)(Sword blocked)

Hindi makapaniwala si Grimtooth na kahit sugatan ay madali lang nasalag ni Kraden ang kanyang pag atake.

Grr.. Paanong?! Sa dami ng dugo na naamoy ko ay dapat sobra sobra na ang lakas ko! Pero paano mo nasalag ang isang iyon.

Tanong ni Grimtooth kay Kraden.

Simple lang.. May naaamoy ka pa bang dugo?

Tanong ni Kraden.

Biglang nagulat si Grimtooth sa tinanong na iyon ni Kraden at wala na din siyang maamoy na dugo.

Ako naman! Grraahh!!

SLASSHH!!!

URRGGHH!!

At tinamaan nga si Grimtooth ng pag atakeng iyon ni Kraden.

Napakalaki ng sugat na natamo ni Grimtooth sa kanyang dibdib.

Dugo!! Napakaraming dugo!! Hahaha.

Tila nababaliw na sabi ni Grimtooth habang halos maligo na ito sa sariling dugo.

Hahaha.. Paanong wala na akong maamoy na dugo kanina? Eh may mga sugat ka din kanina hindi ba?

Tanong ni Grimtooth.

Oo. Meron nga din. Pero ang hindi mo alam ay mabilis na naghihilom ang mga sugat ko kesa normal na tao. At dahil umaasa ka sa Technique mo na nangangailangan ng amoy ng dugo ay nahanapan ko ito ng kahinaan. Bumabalik sa normal ang lakas mo kapag nawawala na ang amoy ng dugo at dahil gumaling agad ang mga sugat ko ay ang sobra sobrang lakas mo ay nawala at dahil may Force Aura ako ay lubos na mas malakas ako kesa dati.

Paliwanag ni Kraden.

Yahoo!! Ang galing mo Kraden!!

Biglang napasigaw at napatalon si Lilica dahil sa tuwa.

Anong sabi ko sayo? Hehehe.. Hindi basta basta matatalo ang kaibigan natin.

Sabi ni Rigor kay Lilica.

Hahahaha.. Ganoon ba? Urgghh.. Ang.. Akala kong.. Perpektong technique ay meron din palang kahinaan.. Arghh..

Sabi ni Grimtooth habang nakahandusay sa lupa at duguan.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon