CHAPTER 26: The Preperation

1.1K 51 2
                                    

Isang bagong umaga. Masarap ang simoy ng hangin sa kapatagan kung saan pinili ni Guardian Vargas at Guardian Gwenneth na sanayin si Kraden.

Anak. Kung ngayon na gaganapin ang pagsubok ng taga bantay alam kong handa ka na. Ngayon din pala ang kaarawan mo ano? Hmm pero dahil kaarawan mo ngayon ay dodoblehin ko pa ang hirap na mararanasan mo ngayon.

Sabi ni Guardian Vargas.

Agad dinampot ni Guardian Vargas ang espadang kahoy at ibinato ito kay Kraden. Madali naman itong nasalo ni Kraden kahit tila unang pag atake na iyon ni Guardian Vargas.

Hmm.. Isang araw na pagsasanay pa lang sa ilalim ni Juris Sorgov ay talagang napakalaki na ng inilakas mo. Pero mas makikita natin yan ka pag sumugod na ako! Grraaahh!!

At mabilis ngang umatake si Guardian Vargas.

Sa sobrang bilis ni Guardian Vargas ay tila may malakas na hangin na dumaan.
Agad itong na salag ni Kraden gamit ang kanyang espadang kahoy at mabilis itong nakalayo.

Heh. Di ko inakalang masasalag mo iyon anak. Heto pa!!

Sabi ni Guardian Vargas sabay muling lusob.

Slash!! Tak!! Tak!! Tak!!(sfx)

Isang combo ang pinakawalan ni Guardian Vargas ngunit lahat ng iyon ay nasalag ni Kraden.

Napakalakas ng mga paghataw na iyon kayat napaatras si Kraden at halos bumaon na sa lupa ng kanyang mga paa.

Ako naman ama!

Agad namang sumugod si Kraden. Tumalon ito at humataw ng napakalakas. Nasalag din ito ni Guardian Vargas at itinulak lang si Kraden papalayo. Hindi pa nakaka tayo ng maayos si Kraden ay agad ng lumusob ang ama.

Slash!!

Isang napakalakas na hataw nanaman ang pinakawalan ni Guardian Vargas ngunit kahit sa huling pagkakataon ay nakailag pa rin si Kraden.

Aghh.. Muntik na ko dun ah.

Sabi ni Kraden sa sarili.

Ngunit kahit nailagan niya iyon ay hindi niya nakita ang kasunod na sipa.

Pak!!(sfx)(kick)

Tinamaan si Kraden sa katawan at tumalsik. Sobrang lakas ng sipa ni Guardian Vargas. Halos mawalan ng malay si Kraden sa sipang iyon.

Kraden!!

Biglang napasigaw ang kanyang ina ng masaksihan ang nangyari sa anak.

Dahan dahan namang tumayo si Kraden.

Wag kang mag alala ina. Kaya ko pa.

Sabi ni Kraden sabay ngiti sa ina.

Mabuti naman Kraden. Tayo nat ituloy na natin ang pag sasanay.

Sabi ni Guardian Vargas.

Pagkabangon na pag kabangon ni Kraden ay agad itong lumusob.

Gyaahhh!!!

Sinabayan naman siya ng ama.

Grraaahh!!

Sabay nagtama ang mga espadang kahoy nila at tila may malakas na hangin ang dumaan.

Nagkikiskisan lang ang kanilang mga espada at sa sobrang lakas nila ay nalalagas na ang mga damo sa kanilang paanan.

Talunin mo ako anak!! Talunin mo ako!!

Sigaw ni Guardian Vargas na tila nakikiusap na talunin siya ni Kraden.

Gagawin ko ang lahat upang manalo ama!!

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon