Patibong?... Hahaha.
Hindi ako makapaniwala na kahit sayo Korvin ay inilihim ni Indigo ang lahat..
Kaya pa nagtataka ako kung bakit eksaktong lima ang ipinadala niya sa islang ito.Sabi ni Darius.
Hindi makapag salita si Korvin ng marining ang sinabing iyon ni Darius.
Anong ibig mong sabihin? Darius?
Tanong ni Korvin na bakas pa rin ang pagtataka.
Hahaha! Sina sabi ko na nga ba. Kayo ang mga sakripisyo! Ang inyong mga katawan ang susi sa muling pagkabuhay ni Azrathel Novis.
Sabi ni Darius na hindi maitago ang kagalakan.
Tumigil ka Darius! Hindi.... Hindi ako kasama! Hindi ako ihahandog sa Aeon na iyon!
Sabi ni Korvin kay Darius na tila may nalalaman na sa mga sinasabi ni Darius.
Anong ibig mong sabihin Korvin? Alam mo ang lahat ng ito?
Tanong ni Amerie kay Korvin na tila naguguluhan pa rin sa mga pangyayari at nakaramdam ng matinding takot.
Hindi naman kumibo si Korvin at parang nawawalan na rin ng bait sa sarili.
Nakatingin lang ito sa lupa na tila tumitingin ito sa kawalan.
HAHAHAHAHAHA!! HAYUP KA INDIGO!!! NILOKO MO AKO!!
Sigaw ni Korvin habang madiin ang hawak sa kanyang espada.
Gulat na gulat naman si Amerie sa mga narinig.
KORVIN ANO BANG SINASABI MO?!!
Sigaw ni Amerie sa kasama.
Ang misyong ito.... ang misyong ito... AY ISANG MALAKING KAHANGALAN!
LAHAT NG ITO AY PLANADO NA UMPISA PA LANG! ANG SABI SA AKIN NI INDIGO AY MAY DALAWA NG ALAY NA NASA KWEBA KUNG SAAN MAAARING NAKAHIMLAY ANG KATAWAN NI AZRATHEL NOVIS. KAYA KAYONG TATLO NILA BISTON AT DORGAS NALANG ANG KAILANGAN UPANG IALAY SA AEON PERO NILOKO AKO NI INDIGO. AKO AT SI LARANCET DIN PALA AY KASAMA DIN SA ALAY!! GRRAAAAAAHHH!!!
At tuluyan na ngang nawala sa sarili si Korvin.
Anong sinabi mo Korvin? Si Juris Indigo?...
Tanong ni Amerie.
Hahahahaha. Nagulat ka ba Amerie? Oo si Indigo ang nagplano nito.. at alam mo ba kung bakit siya nakikipagtulungan sa amin? Hahaha.. dahil siya ang ikatlong miyembro ng CERBERUS.
Sabi ni Darius kay Amerie habang nakangiti rito.
Hindi totoo yan! Si Juris... bakit niya ito nagawa sa amin?
Sagot ni Amerie kay Darius na kitang kita na gulong gulo na sa mga nangyayari.
At sa hindi inaasahang pagkakataon ay mabilis na sumugod si Korvin kay Darius.
MAMATAY KA NA!! GRRRRAAAAAHHH!!
SSHHCHINK! (SFX) (SWORD HITTING)
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...