CHAPTER 30:Flash Vs Fury

1K 51 3
                                    

Si Vlade at Vanzio ay nagtagpo sa Kulm Dessert. Isang disyertong malapit sa Beril.

Si Vanzio ang Top Ranked Blacklist Hunter ng B.H.G.

Siya ay may katamtamang pangangatawan mahabang buhok na kulay itim at hanggang likod ito. Siya ay isang lalaki. May suot na itim na vest at brown na t-shirt. Naka itim na pantalon din ito at may suot na bandana.

Ang sandata niya ay isang Buster Sword na may cannon barrel malapit sa hawakan ng espada.

Heh. Isang Buster Sword? Bago mo pa mai-angat yan ay siguradong patay ka na.

Sabi ni Vlade.

Hmm.. Wala kang alam.. Sinabi nila sa akin na napaka bilis mo.. Ngayon natin masusubukan ang bilis na nababalitaan ko.

At biglang naglaho si Vanzio.

Swwwiiifffttt!!(sfx)(fast movement)

Nakatayo lang si Vlade at hinihintay ang pag atake ni Vanzio.

Swifft!! Swiifft!! Swifftt!!(sfx)(fast movements)

Tuloy tuloy lang ang pag galaw ni Vanzio paikot kay Vlade.

Sa itaas.

Bulong ni Vlade.

At ang pag atake nang gagawin ni Vanzio ay mula sa itaas. Natigilan si Vanzio ng marinig niya ang bulong na iyon. Umatras muna ito at bumalik sa kanyang kinatatayuan.

(Pant.. Pant..) Paanong nalaman mo kung saan magmumula ang pag atake?

Tanong ni Vanzio.

Heh. Hahahaha.. Napakabagal mo..

Sabi ni Vlade.

Ano?! Mabagal pa ba iyon? ! Hmf.. Hindi pala kita dapat minamaliit...

Pero bago pa natapos ni Vanzio ang kanyang salita ay tinamaan na siya ng napakabilis na suntok mula kay Vlade.

PAAKKK!!!(sfx)(punch!)

A..nn.oo?!...

Sabi ni Vanzio habang nasa mukha niya ang kamao ni Vlade.

Gusto mo ng bilis? Ipapaalam ko sayo kung ano ang bilis!! Graaahh!!!

WOLVES FURY!!

Isang mabilis na 60 punch combo ang pinakawalan ni Vlade at lahat ito ay tumama sa mukha at katawan ni Vanzio.

Urghh.. Ahhgg.. Gyaah. Ughh..

At sa huling suntok ni Vlade ay tumalsik si Vanzio at bumarandal sa isang malaking tipak ng bato. Nadurog ang bato at napadpad ang katawan ni Vanzio sa likod nito.

Tsk.. Isa nanamang mahina.. Kung ginamit ko ang Anhaki Claw ko sa Wolves Fury ay siguradong wala ng natira sa katawan mo.

Sabi ni Vlade.

Mula sa mga piraso ng bato at mga guho ay lumabas si Vanzio.

(Pant.. Pant. ) mabilis ka palang talaga. Hehe.. Akalain mong tinamaan mo ako ng mga mahihinang suntok na iyon.

Sabi ni Vanzio habang bunabangon mula sa mga guho.

Nagpantig ang tenga ni Vlade ng marinig ang sinabing iyon ni Vanzio.

Anong sinabi mo?! Talagang ginagalit mo ako ah.

Agad inilabas ni Vlade ang kanyang Anhaki Claws at dahandahang naglakad pa tungo kay Vanzio.

Tuluyan na ngang nakatayo si Vanzio at hinubad ang kanyang itim na Vest. Ibinato niya ito sa lupa at....

Boom!!grrrrrrnrnrrr.(Sfx)(Earthquake)

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon