Ang Vanguards. Isang grupo ng pinaka mahuhusay na Zargrand Knights. Sila ay nag uulat sa iisang tao lamang. Ito ay walang iba kung hindi ang Juris. Sila ay pinadala sa isang lokasyon kung saan may mga ulat ng pag atake ng mga halimaw.
Ang mga miyembro ng 13th Vanguards ay sina
Korvin- Isang Double Blade Swordsman. Kulay Brown ang kanyang buhok at nakasuot ng isang kulay pulang baluti na gawa sa balat ng dragon.
Amerie- Isang Metal Rod Master. Ang kaisaisang babaeng miyembro ng 13th Vanguard. Ngunit kahit isang babae ay labis ang pagalang sa kanya ng mga lalaking miyembro. Ang kanyang buhok ay mahaba at kulay itim na hanggang dulo ng kanyang likod. May suot siyang asul na baluti na gawarin sa balat ng dragon.
Larancet- Isang Spear Specialist. Pinaka mahusay sa direksyon. Kaya niyang bumasa at magsalita ng 147 na ibat ibang lengwahe at kaya rin niyang bumasa ng kahit pinaka mahirap na basahin na mapa. Kaya rin niyang kausapin ang mga hayop at gamitin ang mga ito bilang mensahero. Luntian na gawa sa isang espesyal na uri ng kahoy na tinatawag na Elf Wood ang kanyang baluti.
Dorgas- Isang Hunter. Ang kanyang sanda ay tinatawag na Twin Fang. Dalawang kutsilyo na napakatalim na kaya nitong humiwa ng kahit na shell ng mga pinaka nakamamatay na halimaw. Siya ang gumawa ng mga baluti ni Korvin at Amerie. Kulay abo ang kanyang baluti na gawa sa shell ng Fragtos isang uri ng dragon na matatagpuan lamang sa Western Continent.
Biston- Isang Monghe. Bumaba siya sa kabundukan ng Sacarat upang mag aral at matulungan ang kanyang mga kababayan na umunlad ang pamumuhay ngunit sa isang malagim na pangyayari ay pinili niyang pumasok sa militar ng Zargrand at napili nga siya bilang isang Vanguard. Wala siyang baluti. Suot lamang niya ang isang makapal na balahibo ng Oso. Ang kanyang sandata ay ang Orgaki isang tila asero na isinusuot sa kamao ng gumagamit dito.
Sila ang limang miyembro ng Vanguard bawat isa ay may natatanging kakayahan at sisimulan na nila ang kanilang sikretong misyon.
Plisshhhh!!!(sfx)(Raining)
Chack! Chack! Chack!(sfx)(Running in wet soil)
Larancet.. Malayo pa ba tayo sa kwebang tinutukoy mo?
Tanong ni Korvin habang sabay sabay silang tumatakbo.
Malapit na Korvin. Nakikita mo ba yung malaking bato na iyon?
Sagot ni Larancet sabay turo sa isang malaking bato.
Oo. Nakikita ko.
Paglampas natin diyan ay ilang hakbang nalang tayo sa kwebang iyon.
Sabi ni Larancet.
Matapos nga ang ilang minutong pagtakbo ay nakarating na sila sa kweba.
Gagawa na ako ng apoy.
Sabi ni Dorgas.
At gamit lamang ang ilang mga sanga na natagpuan sa kweba ay mabilis itong nakagawa ng apoy.
Sige lang Dorgas. Mga kasama dito muna tayo magpahinga. Napakalakas pa rin ng ulan at mahihirapan tayo sa ating misyon.
Sabi ni Korvin.
Patilain muna natin ang ulan. Malapit na din naman tayo sa pupuntahan natin.
Sabi ni Amerie habang nagpipiga ng buhok.
Pagkagawa ni Dorgas ng apoy ay agad niyang binuksan ang kanyang sisidlan at kumuha ng mga karneng nakabalot sa dahon. Agad siyang kumuha ng kahoy at tila ginawang Barbecue ang mga ito.
Iba ka talaga Dorgas. Lagi ka talagang maasahan sa mga ganitong pagkakataon.
Sabi ni Amerie.
Ngumiti lang si Dorgas at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...