Samatala sa Sagradia.
Isang mensahero ang dumating sa kastilyo at may liham para sa emperador pero dahil may sakit ang emperador ay si Prinsipe Vircen nalang ang kumuha at nag basa nito.
Ito ay liham ng Karahi Village para sa Sagradia. Gusto nilang tapusin ang matagal ng alitan ng dalawang grupo at nais ng Karahi na imbitahin ang Emperador upang makipagkasundo.
Heh. Mas napadali pa ang plano natin sa Mt.Anko. Heneral Garridor! Inaatasan kitang pumunta sa Karahi at magdala ka ng walong batalyon. Wasakin niyo ang Karahi at wala kayong ititira. Matagal ng pinapasakit ng mga Anhaki na iyan ang ulo ng aking ama sa pag pigil sa Sagradia na makarating sa Mt. Anko. Ngayon na ang pagkakataon upang bumawi tayo sa kanila.
Sabi ni Prinsipe Vircen kay Heneral Garridor.
Ang pinagtataka ko lang mahal na prinsipe ay bakit nais na nilang makipagkasundo? Dahil ilang taon pa lang ang nakakalipas ay sinugod nila lahat ng mga base natin sa paanan ng bundok.
Sabi ni Heneral Garridor.
Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa kukote ng mga animal na iyon at naisip nilang makipagkasundo sa Sagradia.. Siya nga pala.. Kung maaari ay hulihin mo na din yung Anhaki na lumulusob sa iba pa nating mga kampo. Balita ko ay tinalo niya ang pinakamahusay na hunter ng B.H.G. marahil ay ikaw na talaga ang kailangang maghanap doon.
Sabi ni Prinsipe Vircen.
Matagal ko na pong plano iyan mahal na prinsipe. May ulat nga rin po na kadarating lang mula sa Beril. Lumusob nanaman siyang muli at kalahati ng bayan ang nawasak. Natalo siya ng mga hunter ng B.H.G pero may mga tumulong daw sa halimaw. Isang Mage mula sa Magiskon at isang hindi pa kilalang lalaki. Pero ayon sa mga saksi ay meron itong asul na mata.
Sabi ni Heneral Garridor.
Ano?! Asul na mata? Hindi pwedeng nasa Beril siya!
Gulat na gulat na sabi ng Prinsipe.
Bakit mahal na prinsipe? Kilala niyo po ba ang taong iyon?
Tanong ni Heneral Garridor.
Ang taong iyon ang dahilan kung bakit nakaratay ngayon si ama. Isa siya sa mga Squire ng Zargrand. Ang taong may asul na mata. Ang taong binabangit sa propesiyang iniwan ni Master Gexus.
Biglang nagulat si Heneral Garridor sa kanyang narinig.
Ano? Ang pipigil sa plano ng Sagradia?! Mahal na prinsipe!! Kung mamarapatin ninyo ay ako na po ang hahanap sa taong may asul na mata at sa aking mga kamay ay buong lakas ko siyang dudurugin!
Galit na sabi ng heneral.
Huwag mo nang abalahin ang sarili mo sa taong iyon. Sa akin siya. Pero bago pa kami magkita ay nais kong subukan ang kanyang kakayahan. May naiisip na akong italaga para sa taong iyon. Sa ngayon ang isipin mo ay ang misyon mo sa Mt.Anko. Mag kasing halaga ang misyon mo sa Karahi at ang pagpaslang sa taong may asul na mata kayat humayo ka na at lipulin mo ang mga Anhaki na iyon!
Utos ni Prinsipe Vircen kay Heneral Garridor.
Masusunod mahal na prinsipe!
Sabi ni Heneral Garridor sabay alis patungo sa misyon.
Tahimik na naghintay si Prinsipe Vircen sa tinutukoy niyang haharap kay Kraden.
Mahal na prinsipe.. Patawad kung pinaghintay ko kayo..may kaunting kasiyahan lang sa piitan hehehe..
Sabi ng taong lumabas mula sa kadiliman.
Grimtooth. Sana naman kontrolin mo ang sarili mo. Baka maubos mo na ang lahat ng preso sa piitan kung hindi mo ititigil ang mga laro mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/23456484-288-k215108.jpg)
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasiThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...