CHAPTER 21: The Kaiju Rokai Style

1.2K 54 3
                                    

Nag simula na nga ang pagsasanay nina Juris Sorgov at ni Kraden.

Nakatayo lang si Juris Sorgov at hinihintay si Kraden na umatake.

Naka porma naman si Kraden ng depensa.

Hmm.. Counter Attack Style ba? Sige pagbibigyan kita!

Sabi ni Juris Sorgov sabay sugod kay Kraden.

Kahit may edad na si Juris Sorgov ay mabilis pa din ito. Si Kraden naman ay naghahanda na upang mag Counter Attack.

SLASH!
TAK!!(Wood Sword SFX)

Nasalag ni Kraden ang unang atake ni Juris Sorgov at itinulak nito ang espada ng Juris at ginawa na nga ang Counter Attack.

Huli ka ngayon!

SLASH!!

Poof*

Ngunit hindi sa hindi inaasahan ay isa pa lang Smoke Clone ang tinamaan ni Kraden.

Ano? Isang Clone?

Nasabi ni Kraden sa sobrang gulat.

Bigla nalang may tumutok sa kanyang batok na espadang kahoy.

Checkmate.

Paglingon ni Kraden ay nakita niya si Juris Sorgov.

Hindi makapaniwala si Kraden sa kanyang nasaksihan. Isang Smoke Clone Technique at napakabilis na pag kilos.

At biglang tinadyakan ni Juris Sorgov si Kraden.

Thug!!(Kick SFX)

Gumulong si Kraden sa lakas ng sipa ni Juris Sorgov.

Hmm.. Maganda ang ipinakita mong Technique sa una kong pag atake bata.. Counter Attack? Yun lang ba ang itinuro sayo ng iyong ama?

Tanong ni Juris Sorgov habang nakatingin kay Kraden.

Biglang lumapit si Lilica kay Kraden at nagtanong.

Ayos ka lang ba Kraden?

Oo ayos lang ako.. Bumalik ka na sa pwesto mo Lilica. Ako naman ang aatake.

Hmm.. Sige tignan natin kung anong klaseng pag atake ang gagawin mo.

Sabi ni Juris Sorgov.

Agad tumayo si Kraden at muling pumorma ngunit sa pag kakatong ito ay pang opensiba naman ang gagawin nito.

Gyaahhh!!!

Sigaw ni Kraden habang patungo kay Juris Sorgov.

Ngumiti lang si Juris Sorgov habang simpleng nakatayo.

Nang malapit na si Kraden ay agad itong umatake.

Tanggapin mo to!! Gyahh!!

Gamit ang espadang kahoy ay walang kahirap hirap na nasalag ni Juris Sorgov ang pag atake ni Kraden at gamit lamang ang kanyang kaliwang kamay.

Hehehe.. Counter Attack ba? Eto ang tunay na Counter Attack!! Kaiju Rokai style!!

Biglang inangat ni Juris Sorgov ang kanyang espada at tumalsik ang espadang kahoy ni Kraden. Dahil sa sobrang bilis ni Sorgov ay agad itong nakaatake sa pamamagitan ng isang mabilis na pag ikot at pag atake sa katawan ni Kraden.

SLASH!!!

Agad tinamaan si Kraden at muli itong tumalsik sa sobrang lakas ng pag tama.

Hehehe.. Kung tunay na espada iyon ay sigurado akong nahati na ang katawan mo.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon