CHAPTER 40: We are Refugees

974 45 6
                                    

Biglang lumapit si Goris kila Kraden at Rigor.

Wag mo nang tangkaing lumapit kung ayaw mong masaktan!

Sabi ni Rigor.

At inihanda na ni Kraden ang kanyang kalasag at muli niyang binago ang kulay ng kanyang mga mata.

Tila unti unti mo nang natututunan ang pagamit sa kapangyarihan ko ah?

Tanong ni Tenkka.

Hmf.. Hindi naman kase ganoon kahirap hehehe..

Medyo nagulat si Rigor ng marinig ang kaibigang kinakausap ang kanyang sarili pero hindi niya ito pinansin.

Teka. Teka. Hindi ako naparito upang makipaglaban.

Biglang sabi ni Goris habang nakataas ang dalawang kamay.

Bigla namang napaisip ang dalawa.

Naparito ako kasama ng aking mga tauhan upang makipag usap. Magtutungo sana kami pabalik sa Beril upang hanapin ka pero tamang tama naman na nandirito ka na sa kakahuyan.

Sabi ni Goris.

Huh? Anong ibig mong sabihin? Saka kanina.. Bakit mo sinasabi na parang ang swerte niyo na kasama namin ang mga Anhaki?

Tanong ni Kraden.

Hehehe.. Ah ayun ba? Sinabi ko lamang iyon upang sa gayon ay makahingi ako ng paumanhin sa kanila... Ang tanging pakay ko lamang ngayon ay makipagkasundo sa inyo. Hindi bat sinabi mo na ang misyon mo ay pigilan ang Sagradia sa kanilang ginagawa? Ganun din ang nais ko.. Gusto kong sumama kayo sa maliit na komyunidad na itinayo namin.

Sabi ni Goris.

Bakit naman kami magtitiwala sa isang bandido?

Tanong ni Rigor.

Tama ka. Mahirap ngang pagkatiwalaan ang tulad namin ngunit may natitira pa namang dangal sa amin kahit papaano. Ang gusto ko lang ay makipagtulungan para sa pagbawi ng Beril at buong Bal-Hama sa kamay ng Sagradia.

Sabi ni Goris.

Saglit na nagisip si Kraden at Rigor.

Sige. Ngunit sa isang kondisyon. Huwag mong lalapitan o kakausapin sina Anya at ang kapatid niya.

Sabi ni Kraden.

Sige. Ano tayo na sa kuta namin?

At sumama na nga sina Kraden at mga kasama sa kuta ng mga bandido.

Samantala sa bayan ng Beril.

Nagpakalat na ang mga sundalo ng kaharian ng Bal- Hama ng mga larawan nina Kraden at Orleno. Idinikit ang mga ito sa mga pader at ipinamigay din sa mga tao.

May ilang mga larawan din na nakarating sa Magiskon at di nag laon ay nakarating na din ito sa Crevilen Academy.

Agad ipinatawag ni Master Managrey si Orleno sa kanyang opisina.

Knock! Knock! Knock!(sfx)

Tuloy..

Sabi ni Master Managrey sa kumakatok at si Orleno nga ang taong iyon.

Nakatungong naglakad si Orleno patungo sa upuan sa lamesa ni Master Managrey at umupo.

Agad ipinakita ni Master Managrey ang isang papel na may larawan ni Orleno at may patong itong Isang milyong Ginra.

Ipaliwanag mo ang nasa papel na ito Orleno.. Bakit nandito ang larawan mo?

Tanong ni Master Managrey habang nakasimangot.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon