Prologue

5K 84 9
                                    

Kaia's POV

Patakbo kong tinatahak ang daan papasok sa entrance ng Dubai International Airport. Kailangan kong makahabol sa flight ko papuntang Milan dahil bukas gaganapin ang FIE Fencing World Championships Milan 20XX. Championship round na bukas pero dahil birthday ng girlfriend ko ngayon ay pumuslit ako dito. Mahigit kumulang na anim na oras lang naman ang biyahe ko pabalik sa Milan kaya kampante akong umalis kahit na hindi alam ni Coach Trisha.

Ang problema nga lang ay late akong nagising dahil nga sa nagkaroon kami ng quality time. Inuna ko ang landi kaya ito, nagkukumahog akong makahabol sa flight.

Shit! Ngayon pa talaga lumakas ang ulan. Bihira lang inuulan ang bansang ito pero ewan ko ba kung bakit ngayon ay biglang ang lakas ng buhos.

"This is why I hate flying commercial!" maarteng reklamo ng babaeng hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Dala ang payong na ibinigay ng naghatid sa akin dito sa airport ay mas lalo ko pang nilakihan ang aking mga hakbang. Sanay akong tumakbo dahil atleta ako kaya walang reklamo ang mga paa ko. Masyado akong naka focus sa pagpasok kaya hindi ko na namalayan ang pagbangga ko sa kung sinuman. Umusal lang ako ng maikling sorry bago walang lingon na nagpatuloy.

"Rude bitch!" narinig kong sigaw ng isang boses ng babae pero wala na akong oras para intindihin siya.

Nakapasok na ako sa loob ng departure area sa wakas. Alam ninyo kung ano ang problema sa airport ng Dubai? Napakalawak!

Fuck!

Tumakbo ako papunta sa screen kung saan nakaflash ang flight details. Boarding na ang flight ko! Kumaripas na naman ako ng takbo papunta sa check-in counter. Hinihingal na kinapa ko ang aking coat pockets para kunin ang aking passport. Apat na bagay lang ang dala ko. Cellphone, credit card, passport at ID ko.

Nandito ang lahat maliban sa aking passport! Diyosa ng kamalasan!

Muli ko pang kinapa ang aking mga bulsa sa trench coat pati na ang suot kong pants pero wala talaga. 

Lintik!

Saan ba nahulog iyon? Sigurado naman akong dala ko iyon dahil ilang beses pang ipinaalala sa akin ng girlfriend ko ang tungkol doon. Kailangan kong balikan ang aking pinanggalingan. Muli na naman akong tumakbo.

Wala namang pakialam ang mga tao dito at kung may pakialam man sila, ako wala. Ang alam ko lang ay pangarap ko ang nakasalalay dito! Kailangan kong makapunta sa championship round.

Dulot ng bugso ng adrenaline rush ay hindi ko namalayan ang aking pagod na bunga ng pagsuyod sa sahig. Pero wala akong nakitang kahit anino man lang ng aking passport. Napasalampak na lang ako sa sahig habang nakatingin sa screen kung saan nakaflash na umalis na ang eroplanong dapat sana ay sasakyan ko.

Naiinis at nagsisisi ako sa ginawa ko. Pero kung hindi ko naman pinagbigyan ang aking girlfriend ay baka tuluyan na niya akong hiwalayan. Ilang buwan na kasi akong walang oras sa kanya dahil sa paghahanda ko sa Fencing World Championship na 'to.

Naramdaman ko na lang na nagiging malabo na ang aking paningin. Umiiyak na pala ako. Ginamit ko ang mahabang manggas ng aking coat para punasan ang mga iyon. Ang bigat sa pakiramdam na isang araw na lang ay makakamit ko na sana ang pangarap ko kung hindi lang ako nagpumilit na pumunta dito. Natalo ako kahit hindi pa nagsisimula ang laban. Ilang buwan at taon rin ang iginugol ko pero lahat ng iyon ay nauwi lang sa wala.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pinakalma ang aking sarili. May isa pang paraan para makahabol ako. 

Si Mommy. 

Kinuha ko ang aking phone at tinawagan siya. Nakailang ring at tawag na ako pero hindi pa rin siya sumasagot.

Naglakad na ako palabas para kumuha ng taxi. Kailangan kong pumunta kay Mommy dahil siya lang ang makakatulong sa akin. Nasa labas na ako nang sagutin niya ang aking tawag.

"Hello, Kaia?" untag ni Mommy sa kabilang linya.

Naiiyak at natatakot ako sa sasabihin niya pero kailangan kong magsabi ng totoo. "Mommy, nasa Dubai airport ako. Nawawala ang passport ko."

Narinig ko ang pagsinghap niya mula sa kabilang linya.

"What the hell are you doing there?! Your championship match is tomorrow!" Nararamdaman ko ang kanyang inis pero hindi siya makasigaw. Nasa conference pa rin siguro siya.

"Mommy, please. Kailangan kong makahabol," naiiyak na naman ako sa isiping hindi ako makakadalo sa laro.

Narinig ko ang kanyang marahas na pagbuntong-hininga. Kung kaharap ko lang siya ay sigurado akong napapahilot na siya sa kanyang noo dahil sa stress.

"Mommy, please. I'm sorry, but please, Mommy. Help me," muli kong pagmamakaawa.

"I will talk to Engr. Kiera para hiramin ang private jet niya. Wait for my call, okay?" saad niya na kababakasan pa rin ng pagkainis ang tinig.

Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa. May private jet naman kami pero ayokong humingi ng tulong sa taong may kontrol dito.

"Thank you, Mommy," nagpipigil ng iyak na sagot ko sa kanya. "I'm sorry po."

"That won't cut it. Mag-uusap tayo nang maayos pagbalik natin sa Pilipinas," seryosong saad niya bago ako patayan ng phone.

She's mad pero kasalanan ko naman talaga eh. 

Alam kong nandito si Mommy sa Dubai dahil may conference siya na kailangang daluhan. She's one of the best architects in the Philippines kaya madalas siyang dumadayo sa ibang bansa para sa ganitong business summit. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa pinanggalingan ko, nagbabakasakali na baka dito sa labas nahulog ang aking passport. Masyado akong abala sa sahig na hindi ko man lang namalayan ang paparating na delubyo. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nanigas ako sa kinatatayuan ko hanggang sa sumalpok ang isang malaking van sa aking katawan.

Wala na akong maintindihan sa sumunod na kaganapan. Wala akong marinig. Wala akong makita. Wala akong maramdaman. Parang biglang nag shutdown ang buong sistema ko. 

x-x-x

A/N: Lahat ng ito ay gawa-gawa lamang ng aking isipan. Kalma. 

Isa na namang kwento na matagal ng nasa aking drafts. Fluff lang para everybody happy. 😅 'Di po ako marunong manakit nang sobra. 👀 'Di rin po ako mahilig (magaling) magsulat ng detailed bed scenes. Auto skip nga ako sa part na yun kapag nagbabasa. It bores the hell out of me kung puro aaahh ooohhh lang nababasa ko. HAHAHA. I'm so sorry. 

Anyway, I'm not sure kung saan tayo dadalhin ng kwento na 'to kasi hindi ko pa to tapos isulat. Dahil may prologue, mapipilitan akong gumawa ng epilogue. 😩 

Frequency of updates? Not sure. 

x-x-x

Copyright Statement: This book is protected under copyright law. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, please contact the author directly.

Disclaimer: The views and opinions expressed by the characters in this story are purely fictional and do not necessarily reflect the views or opinions of the author. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. The author acknowledges that characters are independent entities within the narrative, and their perspectives are crafted for the purpose of storytelling rather than as a reflection of personal beliefs or values.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon