Kaia's POV
Tinanghali na ako ng gising kinaumagahan kasi nag-aya pang uminom ang kapatid ko bago siya umalis ng bansa. Katulad ni Mommy ay may sarili ng pamilya si Ate Kaela. May dalawa siyang anak na puro lalaki. Ate Kaela is a cardiothoracic surgeon. Iyong asawa naman niya ay isang neurosurgeon na nagmula sa angkan ng mga doktor. His family owned a hospital kung saan sila parehong nagtatrabaho ni Ate Kaela.
What pushed her to get married kahit hindi siya naniniwala sa marriage at hindi niya mahal iyong lalaki? Our father who is not yet in heaven but in hell. Pero sa tingin ko naman ay napamahal na siya dun sa tao kasi may mga anak na eh.
Nagtataka ako nang maratnan na walang katao-tao sa baba. Dumiretso kami sa venue ng party kagabi kaya hindi ako dumaan dito sa bahay. Nung umuwi naman ako ay madaling araw na kaya wala na ring kasambahay ang nabungaran ko.
Pumunta ako sa kusina para buksan ang refrigerator namin.
That's weird.
Wala masyadong laman. Dahil ba sa mag-isa lang ni Mommy dito kaya hindi na siya nag-abala pang magpaluto sa bahay?
Kumuha na lang ako ng apple na nasa counter at iyon ang kinagat. I don't have a hangover kasi hindi naman ako nagpakalasing kagabi. Tamang inom lang with my sister bago siya umalis. For sure kasi ay matagal na naman bago ko siya makita. I'm still in my PJs nang maglakad ako papunta sa pool area. Kumunot ang noo ko nang makita iyong mga lalaking nakasuot ng suits habang nagpapaliwanag iyong isang lalaki na katabi ni Mommy.
Lawyers.
Naririnig ko na ang pinag-uusapan nila dahil nakalapit na sila sa kinaroroonan ko.
"I will prepare the Deed of Absolute Sale, Architect Herrera. My client offered to take care of everything, including the payment and processing of Capital Gains Tax and Transfer Certificate of Title. Atty. Migs and I will process everything. Payment will be made via check to your chosen bank account. We will let you know as soon as everything is done," pormal na saad ng abogado na sinagot lang ng ngiti ni Mommy.
She is selling this place?!
Parang nanghina ako sa aking narinig kaya napaupo ako sa mesa dito sa labas. This place is where I spent my entire life. This is very important and sentimental to me. I don't want to give this up. Pati ba naman 'to ay pakakawalan ni Mommy? Ganun na ba talaga kami kahirap?
"Also, my client would like me to thank you for letting her purchase this masterpiece. She is a huge fan of yours, Architect Herrera. She will buy this place for two billion pesos despite the selling price being only 1.8 billion," pagpapatuloy nung abogado.
He is old. Like old old na puti na ang mga buhok at ang tagal magsalita.
"I appreciate that, Atty. Dante. I hope I can meet this client of yours personally. If you can arrange for us to meet over a cup of coffee, that would be great," nakangiting saad ni Mommy.
God. Gusto ko pa sanang isuggest kay Mommy na pahihiramin ko na lang siya ng pera pero wala naman akong ganung kalaking amount sa bank account ko. I only have roughly 400 million pesos, kasama na doon iyong lahat ng sasakyan pati mga gamit ko. Counted na doon iyong pencil at eraser ko.
Yeah, I'm rotten poor.
"I will try my best, but I cannot promise you anything, Architect. You see, my client is a very busy woman," sagot ng abogado na inayos pa ang kanyang kurbata.
Ang init-init sa Pilipinas tapos nakasuot siya ng three-piece na suit. Malamang para siyang may portable sauna sa suot niya.
"I appreciate that, Atty. Dante. Please, contact my lawyer if you have any concerns," si Mommy ulit na itinuro ang lalaki na katabi niya.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...