Chapter 35: Screwed

1.3K 63 3
                                    

Kaia's POV

"Ito pang isang malupit na project. Noong katulad ko kayo na mga baguhan at bagets, may isa kaming kliyente na gustong magpagawa ng bahay na gawa sa 100% glass ang materials. Puro glass lahat dapat, ultimo iyong mga kubeta dapat gawa sa glass," pagkukwento ng isa sa mga senior project managers ng kumpanya.

Sumama ako kina Charlotte dito sa inuman. Nag-imbita kasi itong boss nila tapos wala rin naman akong gagawin kaya sumama na ako sa kanila. Iyong boss ko? Ewan kung nasaan na. May lakad ata.

"Anong nangyari, Boss Gen?" tanong ng isang junior architect na katabi namin.

Pito kaming nandito. Iyong limang bagong hire plus si Boss Gen plus ako na saling-pusa lang.

"Lumapit ako kay Boss Mikee kasi hindi praktikal ang gusto niya. Biro mo iyong mismong sewerage ay gusto niya gawa sa glass. Doable nga, pero papaano naman iyong kumakain ka sa kusina tapos may gumagamit ng palikuran tapos gawa sa glass ang mga pipes?" natatawang tanong ni Boss Gen sabay tungga ng alak. "Kapag sinunod namin ang gusto niya, panigurado pagkatapos lang ng isang taon ay magsisisi siya. Sayang ang pera."

"Hindi ninyo tinanggap ang project, Boss Gen?" si Charlotte na ang nagtanong habang umiinom ng wine ata.

Walang pilitan dito sa boss nila. Cool lang siya. Kapag ayaw uminom, eh di ayaw. Basta sumama lang sa bonding nila.

"Tinanggap namin pero nag-iba na ang gusto niya pagkatapos niyang makausap si Boss Mikee," proud na saad ni Boss Gen. "Alam niyo ba? Iyong si Boss Mikee, napakagaling nun na arkitekto. Siya lang ata ang kilala kong architect na kasundo ng lahat ng mga engineer. Mahirap gawin at gayahin iyong mga disenyo niya pero may paraan siya para madaling mabuo iyon. Lahat pinag-iisipan, hindi puro drawing drawing lang."

"Paano niya napapayag iyong kliyente?" tanong ulit ng isa sa mga kasamahan namin.

"Gumawa kami ng maliit na version ng gustong disenyo ng kliyente. Itinayo namin tapos saktong tag-init at niyanig ng pinakamalakas na lindol ang Pilipinas. Nasa magnitude 7.2 ang lakas. Ayun, basag lahat ng sahig nang inspeksyunin namin ulit," naiiling na saad ni Boss Gen bago uminom ulit.

Mukhang may sasabihin pa ata kasi nabitin ang pag-inom niya ng alak.

"Ang isa pang problema sa glass house ay ang temperature regulation sa loob. Mabilis iinit ang buong bahay kaya mapapagastos ka sa kuryente. Tapos isa pa, ang glass ay walang warning warning, bigla na lang 'yan mababasag. Iba pa rin iyong gagamit ka ng steel o kaya ay wood o cement," pagpapatuloy niya sa kwento. "Sa huli ay naitayo naman namin ang dream niya na glass house pero may modification lang. Hanggang ngayon ay ayos pa ang bahay sa sobrang tibay."

"Ano po ang sikreto ni Boss Mikee? Bakit po wala pang nasisira sa lahat ng mga building na ginawa niya? May nabasa po kasi ako na kahit bumagsak na lahat ang mga nasa paligid na mga structures ay iyong gawa lang ninyo ang laging nananatiling nakatayo. Kaya nga po sikat kayo eh," tanong ng isa pang junior architect.

Tumigil sandali ang boss nila bago kami isa-isang tiningnan sa mga mata. Parang hinahanda niya kami sa kwentong kababalaghan.

"Ulo ng bata bawat poste," seryosong sagot ni Boss Gen na lihim kong ikinatawa.

I asked the same question kay Mommy at ganyan rin ang una niyang isinagot sa akin bago niya sabihin ang totoong sikreto.

"Boss Gen naman eh! Pinagloloko niyo kami," reklamo ng isang lalaking junior architect na napakamot pa sa ulo. "Matagal na po yang urban legend na 'yan. 'Di 'yan totoo at wala ng naniniwala ngayon."

Lumakas ang tawa ng boss nila, "Kayo talaga, 'di na mabiro. Masyado kayong seryoso, eh kakasimula niyo pa lang. Dapat mag-enjoy lang kayo. Huwag puro trabaho. Hindi niyo na maibabalik ang kabataan ninyo."

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon