Kaia's POV
Pagkatapos kong palitan ang damit ni Livv ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako. Ayaw ni Livv nang natutulog gamit ang outside clothes. Mas gugustuhin niya pang wala na lang saplot. Pero hindi naman pwede iyon kasi nandito kami sa bahay ni Kai na anumang oras ay pwedeng pumasok. Binihisan ko na lang siya ng oversized na white button up polo ko.
Iyong mahinang hikbi ang unang umatake sa aking pandinig kaya mabilis akong napamulat ng mga mata. Napabalikwas na rin ako ng upo nang makita na nakaupo na siya sa kama habang nakaharap sa akin.
"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Masama ba ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang tyan mo? Anong problema, Livv?" natatarantang tanong ko habang nakatingin sa kanya na nakakagat sa pang-ibabang labi para pigilan ang paggawa ng anumang ingay.
Umiling siya at nagpunas ng mga luha. Hinawakan ko na ang kanyang mga pisngi bago masuyong haplusin iyon.
"Bakit ka umiiyak?" malumanay na tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata,
Mas lalo siyang umiyak kaya kinabahan ako.
"Livv, may masakit ba sa'yo? Nandito si Kai. Tatawagin ko lang. Dyan ka lang," saad ko bago sana bababa ng kama pero hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.
"Stay here," naiiyak na saad niya habang pinupunasan ng likod ng kanyang kamay ang mga luha. "Please, don't go anywhere."
Ngumiti lang ako sa kanya, "I'm not going anywhere, Livv. Dito lang ako sa tabi mo."
Tumango siya bago yumakap sa aking gilid. Napatingin ako sa orasan. Malapit ng mag alas otso ng gabi.
"Masama ba ang panaginip mo?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang braso.
Naramdaman ko ang kanyang pag-iling bago ang pagsinghot, "I thought I was d-dreaming when I woke up next to you. I t-thought you were a fragment of my imagination, but then w-when I t-touched you..." tumigil siya saglit dahil nahihirapan na siyang magsalita sa kakaiyak. "...you are r-real. Y-You are real. You are really with me. I was so scared when I found out that you were nowhere to be found in Maldives. I thought – I thought..." Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang kapit. "I thought the p-police found you. Worse, I t-thought he got you."
"Nobody got me, Livv. I'm here and I'm safe," malumanay na pag-aalo ko sa kanya. "I'm safe because of you. Thank you for doing everything that you have done to keep me safe."
Kumalas siya ng yakap bago ako hawakan sa mga pisngi, "You can't go to jail. I don't want you to go to jail. Our baby needs you. We need you. So, no. I'm not letting them put you in jail. If we need to hide for the rest of our lives, we will. I don't care. I will leave everything and everyone behind. I don't care as long as I have you and our child."
Ngumiti ako sa kanya bago hawakan ang isang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi, "Livv, kailangan kong harapin ang kaso ko. Wala akong ginawang kasalanan. Hindi ako ang pumatay kay Hanz. Hindi ko magagawa iyon."
Umiling siya bago humugot ng hangin, "I know you did not do it. I've seen the footage myself and I know that the video was altered. It took us long, but we have gathered enough evidence to have you acquitted. I just don't want you to experience living in prison even if it is momentarily. That's why I hired someone to take your place and that wedding was the only way for Paul to show up. I'm sorry. I should have told you what really happened on that night you caught us arguing in the parking lot. I'm sorry, Kaia."
Buhat sa narinig ay sumiklab ang aking galit sa lalaking iyon.
"May ginawa ba siyang katarantaduhan sa'yo bago ko pa kayo maabutan? Hindi ka ba niya tinantanan matapos ang ginawa ko sa pagmumukha niya?" Kung si Hanz ay hindi ko kayang patayin dahil consensual ang ginawa nila ni Livv, si Paul ay handa akong suyurin ang impyerno masingil lang siya sa katarantaduhan niya.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...