Chapter 53: Daughter

1.7K 57 6
                                    

Kaia's POV

Livv decided to take a break nang pumatak ang ikawalong-buwan ng kanyang pagbubuntis. Ako na ang humalili sa kanya bilang CEO at President ng kumpanya. Wala namang naging reklamo. Parang inaasahan na nga nila na iyon nga ang mangyayari.

"Thank you for coming here, Architect Kaia," mahinahong saad ng may-ari ng isang broadcasting company na kasisimula pa lamang.

Kinuha nila ang aming kumpanya para itayo ang kanilang magiging pangunahing opisina. Dahil paunang pagkikita palang namin ay ako lang at si Ms. Mika ang nandito. I promoted her to be my secretary dahil magaling siyang magtrabaho. At isa pa, may tiwala sa kanya si Livv.

"Thank you for trusting our firm, Mr. Zarate," nakangiting saad ko sa butihing matanda na dating beteranong mamamahayag.

Pareho kaming natigilan nang mabitawan ng aking secretary ang hawak niyang iPad na nahulog sa sahig at gumawa ng ingay.

"Ms. Mika, are you alright?" untag ko sa aking sekretarya na napatakip pa ng bibig habang nakatingin sa maraming screen na iba't iba ang pinapalabas.

"Ms. Kaia, I think you need to see that," saad niya bago ituro ang isang malaking screen.

Ako naman ay kunot-noong napatingin doon.

"Breaking News: Suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Hanzel Latih nakatakas sa kulungan. Pinaghahanap na ngayon ng otoridad ang nasabing suspek na si Roderick Paul Latih na siyang kapatid ng biktima. Para sa karagdagang mga detalye, narito si Karen David. Karen," pagbabalita ng news reporter.

Kung si Ms. Mika ay namutla lang, ako naman ay parang gusto ko ng mahimatay sa sobrang kaba.

Shit! Si Livv.

"Mr. Zarate, I'm really sorry, but we have to go," mabilis na saad ko bago nagmamadaling naglakad palabas.

Kinuha ko ang aking phone para matawagan si Livv. Nakailang ring na pero walang sumasagot.

Tangina.

Nagpaalam kasi siya sa akin na may pupuntahan daw siya. Nang tanungin ko kung saan ay sinabi niya lang na secret at hintayin ko lang daw ang kanyang text kung pwede ko na siyang sunduin. Knowing Livv, hindi na ako nangulit pa.

Fuck. Answer the phone, Livv.

Muli kong tinawagan ang kanyang numero pero wala talagang sumasagot. Mas lalong lumalakas ang pintig ng aking puso dahil sa pinaghalong kaba at takot.

"Ms. Kaia, would you like me to cancel all your other appointments for the day?" tanong ni Ms. Mika na hinihingal na rin sa kahahabol sa akin.

"Yes, please," saad ko habang tinatakbo ang basement kung saan kami nagpark kanina.

Nang makarating ako sa kotse ay agad ko ring pinatakbo ito paalis. Si Ms. Mika ay may dala namang sasakyan. Ang problema ko lang ngayon ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Muli kong tinawagan ang numero ni Livv.

"The number you have dialed is unavailable. Please try again later."

I tried again para lang mapapreno nang hindi na pumapasok ang tawag. Hindi na nagriring. Parang naka-off na ang phone niya.

Shit.

I called the next person na pwedeng makatulong sa akin.

"Hello, Kaia? What's-"

Sumabat na ako bago pa siya matapos magsalita, "Taylor, alam mo ba kung nasaan si Livv? Hindi ko siya matawagan."

"I have no idea. I'm at the office right now. What's wrong? You don't sound well."

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon