Chapter 47: Nowhere

1.3K 47 1
                                    

Kaia's POV

It's cold - really really cold. I can feel myself trembling. Napayakap ako sa aking sarili para lang magulantang nang maramdaman ng aking balat ang malamig kong mga palad. Mabilis akong nagmulat ng mga mata.

It's too dark.

Am I dead? Nasa hukay na ba ako?

I tried listening to the surroundings - nothing. I heard nothing. I'm hearing nothing, but I'm sure that I'm moving or at least, something is hitting on where I am. Muli kong ipinikit-mulat ang aking mga mata para tanggalin ang panlalabo nun. There, I saw something flickering in the vast darkness. Sa taas kung saan ako nakatingala, may kumikislap.

Are those guiding lights? Bakit ang dami? If I'm dead, bakit parang gabi? Hindi ba maliwanag sa langit? W-Wait. Am I - Am I in hell?!

Buhat sa naisip ay bigla akong nataranta at natakot. 

Oh, my God! I can't be in hell. Jesus Christ, save me.

Bumangon ako at tiningnan ang aking sarili. I'm not wearing anything at nanginginig na rin ang aking katawan. But that's not the most important thing right now. I looked around me - nothing. I'm seeing nothing but the moon illuminating the dark night. Akala ko ay wala ng mas ilalamig pa ang aking katawan pero mali pala ako. Mas lalong gumapang ang kakaibang lamig sa aking buong pagkatao at kaluluwa nang mapagtanto ang totoong kalagayan ko. 

I'm doomed.

I'm inside a boat in the middle of nowhere nang nakahubad. Wala akong nakikitang city lights kahit saan ako lumingon. Payapa ang dagat at ako'y inaanod sa kung saan mang lupalop ng mundo. Tiningnan ko ang bangkang kinalalagyan ko. Walang sagwan. Tanging isang tao lang ang kakasya. Isang maling galaw ko lang ay tataob ito.

What the hell am I doing in the middle of the freaking ocean?!

Napahawak ako sa aking ulo para alalahanin ang nangyari. I must be dreaming. No, I must be having a nightmare. Certainly, this is a nightmare and not a dream. I need to wake up. I need to wake up right freaking now.

I kept moving para lang magpanic nang may pumasok na tubig dagat. Mabilis akong napahawak sa magkabilang panig ng maliit na bangka para patigilin ito sa paggalaw. This might capsize. My naked butt is too numb to feel the hard wood. Dahan-dahan ay inaalis ko ang pagkakahawak ng isa kong kamay para sampalin ang aking sarili.

Damn. I'm wide awake. This is not a drill. I'm really not having a nightmare. How did I end up in this fucked up situation?

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang pangyayari - si Hanz. He sent me a message tapos nabaliw siya. Tapos... tapos... tapos ano?! I tried focusing again at mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.

Wait, si Livv. Ang sabi ko sa kanya ay sandali lang ako. I told her na uuwi ako after an hour. Baka galit na yun sa'kin kasi dinner time na at wala pa ako. Shit. May dinner kami with her family. Kailangan kong makauwi pero papaano?!

Umihip ang panggabing hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. I think I'm going to die here. Kung papalarin man akong makaligtas sa mga pating dito sa karagatan ay baka mamamatay rin ako nang dahil sa hypothermia.

Ang lamig. Nasa Pilipinas pa ba ako? Bakit parang pakiramdam ko ay papunta na ako sa factory ni Santa Claus? Worse, am I heading to the Shenzhen sorting center?

Para kahit papaano ay maikubli ko ang aking katawan sa malamig na hangin ay muli akong humiga. Wala rin namang mangyayari kahit nakaupo ako kasi wala akong maaninag na ilaw. Wala rin akong magawa para makarating sa kung saanman direksyon na naisin ko. Magpapatangay na lang ako sa anod ng dagat.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon