Kaia's POV
Suot lamang ang aking bathrobe ay nagtungo ako sa pintuan ng aking condo para pagbuksan ang taong kanina pa siguro nagdo-doorbell dahil sunud-sunod na ang pagpindot nito. Iyan na siguro iyong artist na sinasabi ng babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.
"Coming!" sigaw ko dahil parang masisira na ang doorbell ko sa ginagawa ng sinumang nasa likod ng pintuan ngayon.
Nang pihitin ko pabukas ang pintuan ay pareho kami ng naging reaksyon ng babaeng nasa likod nito.
"You?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Ikaw?!" hindi makapaniwalang bulalas ko.
Ayan, sabay pa kaming nagulat. It's a tie.
Tumingin siya ulit sa numero ng aking pintuan bago tumingin sa akin. Pagkatapos ay binigyan na naman ako ng matalim na irap.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya bago tingnan ang mga dala niya. I mean, yung mga bitbit ng dalawang bodyguard niyang babae.
"I'm here because this is the address that my client gave me. She commissioned me to do a figurative art," sagot niya na parang labag sa loob. "I didn't know that you are going to be the subject. What a waste of my precious time."
Tsk. Siya na nga talaga. Disente nga pero matabil naman ang dila.
"Move," mariing utos niya dahil nakaharang na naman ako sa daanan niya.
Bahay ko kaya ito no. Kahiya naman sa kanya.
Hindi man lang siya naghintay na alukin kong pumasok at siya na talaga ang nagkusa. She even shoved me out of her way. Kung wala lang itong mga bodyguard niya na mukhang babaliin lahat ng mga buto ko sa katawan sa oras na may gawin akong hindi maganda ay baka naitulak ko na siya pabalik sa labas.
Napailing na lang ako bago sila sundan. Pagkapasok kasi niya ay bumuntot rin sa kanya iyong mga bodyguard.
"Bedroom is that way," turo ko sa aking kwarto pero sinagot niya lang ako ng nagmamaldita niyang kilay. "Sabi ko nga sa sala na lang tayo."
Pumunta na lang muna ako sa kusina para hindi makasagabal sa pagseset-up ng kanyang mga kasama. Umupo ako habang pinapanood siyang magbigay ng utos. Sanay na sanay talagang mang-alila.
"Open the curtains. It's too dark in here," reklamo niya na ikinakunot ng aking noo.
Iyong bodyguard niya ay agad na tumalima para hawiin ang kurtina.
Maliwanag naman ah. Nakabukas naman ang lahat ng ilaw dito sa sala. Ang dami talagang arte nitong babae na 'to.
Hinintay ko silang matapos hanggang sa lumabas na ang tatlong kasama niya at kami na lang ang naiwan sa loob.
"I don't have all day. Get your ass here," utos niya habang itinatali ang kanyang buhok into a messy bun.
Lumapit na ako habang hinahagod ng aking mga mata ang kanyang kabuuan. This is the first time na nakita ko siyang nakasuot ng denim jeans at simpleng plain white shirt na itinali ang dulo sa may bandang tyan para ipagsigawan ang flat niyang abdomen. Nagtanggal na rin siya ng sapatos at medyas kaya nakapaa na lang siya ngayon.
Okay rin na ganito siya manamit kung ganitong klase ang hobbies niya.
Tumayo ako sa kanyang harapan kaya masama na naman ang tinging ipinupukol niya sa akin habang nakatingala.
"What? Do I still have to undress you?" naiiritang tanong niya bago umupo sa dala niyang upuan malapit sa kanyang blank canvass.
"I always welcome suggestions. Be my guest then," kibit-balikat na sagot ko at nanatiling hindi gumagalaw.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...