Kaia's POV
"Hello?" bungad ko sa tumatawag.
Ito iyong private investigator na kinuha ko. Ilang linggo na rin ang dumaan simula nung huling update niya na wala siyang nakuhang impormasyon tungkol sa pinapahanap kong tao. Hindi ko alam kung palpak ba 'tong nagtatrabaho o talagang mailap lang ang babae na iyon.
"Ma'am, nandito po sa Pilipinas ang pinapahanap ninyong tao. May ipapadala po akong address at instructions sa inyo. Nakapwesto po ako sa may kalayuan sa kanya. Confirmed, Ma'am. Ito po ang pinapahanap ninyo. "
Humigpit ang hawak ko sa aking phone. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong umatras pero hindi pwede. Kailangan ko ng kasagutan at siya lang ang pwedeng magbigay sa akin nun.
"Papunta na ako. Huwag mong hahayaang mawala sa paningin mo," utos ko bago ibaba ang tawag.
Wala si Livv ngayon dahil may pinuntahan na birthday party ng kanyang kaibigan. Hindi ako nakasama dahil may kinailangan din akong gawin para kay Mommy. Hindi na siya nagtanong pa nang ipaliwanag ko kung sino ang nag-utos sa akin ng errand. Kakarating ko lang sa penthouse kung saan ilang linggo na kaming nakatira pero kailangan ko na namang umalis ulit.
Habang nagmamaneho ako ay napapamura na lang ako dahil sobra ang traffic. Sana lang ay nandoon pa ang babae na iyon at hindi pa umaalis. Nakakapagtataka na nandito siya sa Pilipinas. Simula kasi nang nawala ang Mama niya ay hindi na siya umapak dito. Palagi siyang nasa ibang bansa at kami ni Mommy ang laging naghahabol sa kanya para siguraduhing maayos lang siya. Mabait siya kay Mommy. Sa akin lang talaga may galit. Palibhasa kasi ay pareho kami ng ganda kaya naiinis siya.
Hmp. Ang babaw.
Ang huling kita ko sa kanya ay bago ako mag high school. Ayoko ng dumalaw pa sa kanya. Masama kasi ang ugali. Kung makaasta parang inagawan ko siya ng pamilya eh galit na galit naman siya kay Dad. Sinapak pa nga daw niya si Dad sabi ni Ate Kaela eh. Siraulo talaga ang babae na iyon.
Matapos ang isang siglo ay nakarating na ako sa isang bar. Surprised? Me? Definitely not. Magugulantang ako kung hindi kami sa bar magkikita ng babae na iyon. Nagpark na ako bago pumasok sa loob. Tiningnan ako ng bouncer na nakita ang pagpark ko ng sasakyang regalo ng pamilya ni Livv. Tumango siya kaya pinadaan na ako ng kasama niya.
Specific ang instructions sa akin ng private investigator ko. Nasa VVVIP area kasi ang gaga kaya hindi ako basta-basta makakapasok kung mukha akong hampaslupa. Sa bar na ito lang ako nakaranas na kailangan mong magpakita ng credit card bago ka patuluyin sa loob. Hindi lang basta credit card kung hindi iyong may sky is the credit limit. Wala ako nun kaya iyong kay Livv ang ipinakita ko.
Pinayagan akong makaakyat sa itaas. Walang hanapan ng ID pero may hanapan ng credit card. Paano kung nakaw lang pala?
Anyway, pag-akyat ko sa itaas ay sumalubong sa akin ang medyo tahimik na lugar. Kung ikukumpara sa dinaanan ko kanina ay tahimik na dito kahit naririnig ang music na nanggagaling mula sa ibaba. It's past ten o'clock in the evening kaya high na ang mga tao. Yes, this is the type of bar na pwede kang mag coke nang walang ice. Tamang singhot lang, nasa heaven ka na pagkaraan ng ilang minuto.
Kung kanina ay kinakabahan ako, ngayon naman ay mas naging doble iyon. Maliban sa ipinapahanap kong tao ay nandito rin ang dalawang babae na hangga't maaari sana ay hindi dapat na nandito.
This is going to be a mess.
Naglakad na ako nang matulin nang makita ang papalapit na pigura ni Livv sa babaeng nakaupo sa tapat ng bar counter. Iyong babaeng unti-unting nilalapit ang kanyang mukha sa babaeng katabi niya. She is about to kiss Charlotte!
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...