Kaia's POV
When people say na buong barangay ang invited sa isang kasal, one would think na sobrang dami ng bisita. This wedding's guests literally included the entire population of their small town. I don't know whether to feel glad or uncomfortable about it. Trust me when I tell you that anyone can gatecrash here, and nobody will notice. Well, that was just me exaggerating because everyone here seemed to know each other. That included us. They know Livv and I by name, but we didn't have a single idea who they are.
Livv was wearing the baby blue dress that Nanay Ising made for her. See? My favorite talaga si Mamita. Conservative si Nanay Ising kaya she let me wear my light blue button up polo. Ipinagpilitan niya kasi iyong gawa niya. Out of courtesy ay isinuot ko kaya ayun, itinaboy niya ako ulit para magbihis kasi sobrang ikli para sa akin ng damit na ginawa niya.
She knew beforehand na dalawang babae ang magiging foster children niya kaya nakapaghanda siya ng mga isusuot para sa kasal. Iyong hindi lang siya naging ready ay sa height ko na tinawag pa na abnormal ni July.
Wala namang dress code ang mga bisita dito. Naka shirt lang ang mga kalalakihan, but most of the old women were wearing what looked like a traditional clothing. They also have temporary tattoos all over their arms.
It was already the night of the wedding celebration and everyone was just merry. I can't help but smile when I saw Livv being shy while being surrounded by the ladies. My bet is they were gushing over her. Again. When we arrived kanina ay puro praises about how pretty she is ang narinig ko. Good thing she was quick to dismiss them and turned the attention towards the bride who, by the way, looked like freaking Pocahontas. Bagay naman sila kasi iyong groom ay parang fresh out of Filipino folklore ang datingan. Mahihiya ang mga gym rat sa batak na muscles sa katawan.
Me? Nandito lang ako malapit sa may dessert station at kumakain habang nakasandal sa may poste at nanonood. People are already dancing. May live orchestra dito pero gawa sa mga traditional instruments ang gamit ng mga lalaking tumutugtog.
"Oh, ba't ka nagsosolo dito?" bungad sa akin ni July na lumapit pa talaga sa akin pagkatapos niyang kumuha ng kakanin.
Tinuro ko sa kanya ang hilera ng desserts, "Because food is life. Ang sarap. Ikaw bakit ka nandito?"
Padabog kasi siyang umupo sa tabi ko na parang napipilitan. She looked pretty in her traditional costume pero siyempre hindi ko sasabihin iyon. Baka kung anong masamang ideya ang papasok sa kanyang isip.
"Pogi ka raw. May gustong makipagkilala sa'yo," sagot niya habang may sama ng loob na kinakain yung purple-colored na sticky dessert na hindi ko alam ang pangalan.
Tiningnan ko siya nang mabuti pero ang siste ay umirap ba naman sa akin. Girl, mukha talaga siyang yellow rubber duck tapos nilagyan ng false eyelashes.
"Akin na ang kamay mo," utos ko na ikinabigla niya.
"Hoy! Ano ka ba? Ang bilis mo naman. Dahan-dahan lang naman. Bakit kamay ko na agad ang hinihingi mo?! Mamanhikan ka muna kaya. At saka, bawal yan. Sukob," parang tangang tanggi niya na may nalalaman pang pagpalo sa braso ko at pag-ipit ng kanyang buhok sa kanyang tainga.
"Gaga. Ang lakas ng imagination mo. Humithit ka ba ng Marijuana kanina? Isusumbong kita kay Nanay Ising," pagbabanta ko sa kanya na ikinasimangot niya.
"Tse!" Umirap na naman bago ako sipain sa binti.
Gosh. Ano ba 'tong mga tao na nakikilala ko? Puro mapanakit.
"Oh, ayan na," labag sa loob niya na binigay ang kanyang maliit na kamay na nilagay ko sa aking kanang dibdib.
"Do you know what that is?" tanong ko na ikinataas lang ng kanyang kilay. "Boobs yan. Babae ako kaya hindi ako pogi."
"Ay, boobs pala 'to? Akala ko kasi ay muscles," bwisit na pambasag niya ng trip kaya mabilis kong tinanggal ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...