Chapter 13: Performance

1.5K 69 6
                                    

Kaia's POV

"What?! No!" mariing tanggi ko sa last-minute na suhestyon ni Taylor. "Battle of the bands tapos gusto mong sumayaw tayo na parang tanga sa harap ng audience? Nagda-drugs ka ba?"

Kulang na lang ay hampasin ko ang lalaking nakanguso sa harap ko habang napapakamot sa kanyang ulo. Acquaintance party na ngayon at nasa backstage na kami. Ilang minuto na lang ay kami na ang sasalang. Plantsado na lahat ng gagawin namin, mapa costume hanggang sa dalawang kanta na tutugtugin namin kung suswertehin kaming manalo.

Tapos itong lalaking ito ay bigla na lang naisipan na sumayaw kami. Hello? Battle of the bands nga so, tugtog lang. Hindi naman to X Factor para mag all out performance kami.

"Sige na, please. Payag naman sila," pagpupumilit niya bago tumingin sa mga kabanda namin na tumango lang din.

Puro lalaki ang mga kasama ko at ako lang ang nag-iisang babae. Microphone lang ang hahawakan ko mamaya dahil meron ng magpapatugtog ng guitars, drums at keyboards. Sa School of Architecture kami kabilang tapos yung mga bilang lang sa mga daliri na girls sa amin ay mas gustong mag-enjoy sa party.

Gods and Goddesses ang theme ng party kasi iyon ang nanalong choice na pinili ng mga freshmen. Overrated pero sige. Para sa kanila itong party kaya sila ang magdedesisyon. Pero dahil nga kasama kami sa friendly competition na ginagawang big deal nitong toothpaste boy na ito ay allowed kaming magsuot ng ibang attire. Ang weird naman kung kumakanta kami ng live music tapos iyong suot namin ay pang cherubin na nakasuot ng diaper.

"Come on, Kaia. Chorus lang naman," segunda ni Drei na sa keyboards assigned.

"Oh, tapos paano kayo tutugtog habang sumasayaw? Saan galing ang background music? Dead air? Sasayaw tayo nang walang music? Eh di mas lalo tayong naging mukhang tanga."

Sa sobrang inis ko ay napasuklay na lang ako sa aking buhok. Tumingin ako sa mga kumag na kasama ko na lahat ay nakatingin kay Taylor para sumagot.

"We will play background music," nakangiwing sagot ni Taylor.

Napakurap ako at napahilamos na sa aking mukha. Iyong stress ko pang isang buong sem na.

"Bakit pa tayo sasali sa battle of the bands kung gusto lang pala ninyong ma disqualify agad? Eh di sana sinabi mo sa una pa lang para hindi na tayo nag-aksaya ng oras sa pagpapractice." Hindi ko na mapigilang maglitanya dito dahil ang gulong kausap ng mga ungas na 'to.

Lahat kasi ng sound ay dapat manggaling sa instruments. Bawal iyong suggestion ni Taylor. Maliwanag iyon sa mechanics ng competition.

"We're not here to win, Kaia," nakangiting sagot ni Billy na sinang-ayunan ng mga kasama namin. "We're here to have fun and to help our friend win someone over."

Binigyan nila ng mapanuksong tingin si Taylor na namumula na naman ang leeg at buong mukha.

Napabuga ako ng hangin, "So lahat ng ginawa natin ay para lang lumandi ka?" Hindi makapaniwalang hinarap ko siya.

Nagtawanan ang mga kasama namin tapos ang siste ay tumango lang na parang nahihiya.

"Please?" nakalabing pakiusap niya na nag puppy dog eyes pa. Mukha siyang Labrador na napaaway sa kanto at hindi nanlaban.

Nakakairita! Pero mas nakakainis iyong ang hirap humindi sa inosente niyang mukha. Ang laking damulag pero mukhang baby.

"At paano naman kayo nakakasigurado na marunong akong sumayaw ha? Kung gusto ninyo, fine. Pero kayo lang ang sasayaw. Tatabi muna ako kapag chorus na. Kahiya naman sa inyo. Doon pa talaga ninyo naisipang gumamit ng background music na lang," pagsuko ko bago umupo sa bench dito sa assigned room namin sa backstage.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon