Chapter 3: Mouthwash

1.8K 69 3
                                    

Kaia's POV

Nag-aya si Sammie na mag bar ngayong gabi kahit may klase kami kinabukasan. Boses lang talaga niya ang mahinhin pero malakas iyon uminom.

Dalawang oras na akong late dahil nakipagkita pa ako kay Madi. Matatagalan kasi ulit bago ko siya muling makikita kaya sinulit ko na. Tuloy pa rin naman ang inuman nina Sammie kasama ang mga kaibigan niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala. Hindi ko naman dala ang alak kaya walang dahilan para hintayin nila ako.

Nang itigil ko ang sasakyan ay nagulat ako sa bumungad sa akin. Tama ba ang address na ibinigay sa'kin ng babaeng iyon? Napadouble check pa ako sa aking cellphone at sa GPS na nasa harapan ko.

This is a freaking house party! Naloko na naman ako ng pinsan ko.

Wala naman kasing ibang kabahayan kaya akala ko ay bagong tayong bar talaga. Tsk. Maraming nakaparadang sasakyan sa paligid kaya naman ay naghanap ako ng espasyo. Namataan ko pa ang itim na sasakyan na ginagamit ng kanyang mga bodyguard.

Dito nga talaga.

Nang maipark ko nang maayos ang kotse ay lumabas na ako. Umatake sa aking tainga ang malakas na musika sa loob. Alas diyes na pero parang magsisimula pa lang ang party.

Sumandal ako sa aking sasakyan habang nakaharap sa nakabukas na gate. Nakikita dito ang maraming tao na sumasayaw sa loob ng pool habang may dalang mga alak. Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng suot kong leather jacket. Napapaisip ako.

Should I go or should I not?

Nandito naman sa labas ang mga bodyguard ni Sammie kaya siguradong makakauwi siya nang ligtas. Ang problema lang ay lahat sila nasa labas. Sinenyasan ko ang isa na lumapit.

"Miss Kaia, good evening po," magalang na bati ng isa sa kanyang mga lady bodyguard.

"Bakit walang pumasok sa inyo?" tanong ko sa kanilang tatlo.

"Ayaw po ni Miss Sammie, Miss Kaia. Nasa labas din po lahat ng mga bodyguard ng mga kasama nila."

Napabuga ako ng hangin. Kailangan kong pumasok. Lapitin kasi ng mga lalaki ang pinsan ko lalo na't hindi marunong manapak ng mga abusado. This party looks like a typical welcome party ng mga university students.

Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kotse at nagsimulang maglakad papasok. Walang sumita sa akin dahil walang bantay ang nakabukas na gate. This looks like an open party na invited ang kung sinu-sino lang.

May mga napapalingon sa gawi ko. Ang iba ay nangahas pang sumayaw sa aking harapan pero sinamaan ko lang ng tingin kaya bumaling ng ibang direksyon. Overcrowded at kaunti na lang ay pwede ng magka stampede dito.

Kailangan ko munang hanapin si Sammie. Wala akong kilala ni isa sa mga pagmumukha ng mga lasing na 'to. Nakabibingi ang lakas ng musika sa parteng ito ng bahay. Nakakaduling rin ang disco lights.

May nag-iikot na may dala ng mga alak. Mayaman ang host ng party, kung sinuman siya.

Inalok ako pero tumanggi ako. No alcohol for me dahil nakakasira ng katawan. Next year ay baka pwede na siguro. Ayokong mahadlangan ang tuluyang paggaling ko. Natatakot akong mag-relapse.

Habang tumatagal na hindi ko nakikita ang pinsan ko ay nakakaramdam na ako ng kaba at pag-aalala. Pumasok na ako sa bahay kung saan may mga naglalaro at naghahalikan sa bawat sulok. Kaya pala ayaw papasukin ni Sammie ang mga bodyguard niya.

Tsk. Hindi talaga nag-iisip minsan ang babaeng iyon! Akala niya siguro lahat ng tao ay mabait katulad niya.

Wala siya sa sala kaya pumunta na ako sa kusina. Ganoon pa rin ang lagay.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon