Kaia's POV
Tahimik lang akong nakamasid sa magandang mukha ni Livv habang mahimbing ang kanyang tulog. Kahit ilang beses ko na siyang nabubungaran sa umaga ay hindi pa rin ako masanay sanay na ganito kagandang mukha ang sumasalubong sa akin. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang mga katagang laging pumapasok sa aking utak sa tuwing nakikita ko siya nang ganito kalapit.
She looked so resplendent.
Hindi sapat ang salitang maganda lang para ilarawan ko siya. She is the human embodiment of Aphrodite. Kahit kailan ay hindi ko magagamit ang salitang cute kung ilalarawan ko ang kanyang pisikal na kaanyuan. She's sexy. She is also hot, hot-tempered nga lang kahit hindi buntis.
Napangiti ako sa aking huling naisip. I admit that the first two things I noticed about her were her face and her body. Of course, it is always the eyes that fall in love first. Love at first sight nga, 'di ba? Kahit hindi mo alam ang pag-uugali ng isang tao ay mapapalingon ka at mapapatitig kung maganda ang hulma ng kanyang mukha at katawan.
Speaking of katawan, napatingin ako sa kanyang tyan. She is wearing her usual nightgown kaya wala na naman siyang suot na pang-itaas na lingerie. I don't know why, but I feel like she's really comfortable around me. Or pwede ring kumportable siya sa kanyang balat kaya wala siyang pakialam kahit ano ang kanyang suot. She looks good in everything din naman.
May pag-iingat kong hinawakan ang kanyang tyan at napatitig doon. Kapag natutulog si Livv ay laging natatapon sa kung saan ang duvet. Kadalasan ay nakasiksik siya sa akin kahit na malaki ang aming kama. Iniharang niya ang mga unan sa pagitan namin kagabi pero ngayong umaga na, nandito na naman siya sa aking espasyo.
The idea of her ignoring me the entire day after our conversation yesterday and her now being clingy is making me chuckle.
Bakit kaya ganito 'to kagalaw kapag natutulog? Prim and proper naman kapag gising.
I smiled nang maramdaman na kahit papaano ay may umbok na ang kanyang tyan. I can't wait to see how this child will look like. But my smile soon faded nang maalala na may posibilidad na hindi siya maisilang.
Please, Lord. Please lang. Sana po ay babae ang batang ito.
Sa ngayon ay wala na akong pakialam kahit hindi akin ang bata. Anak pa rin siya ni Livv na sa aminin ko man o hindi ay naging mahalaga na sa akin. Don't ask me kung anong nagustuhan ko sa kanya kasi kung iisipin ay walang maganda sa pakikitungo niya sa akin. But there's this persistent and annoying voice at the back of my head na nagsusumigaw at nagsasabing importante siya sa akin. I can't explain it, but the moment I met her after years of being apart ay alam ko na agad sa sarili ko na gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Gusto ko siyang intindihin. Gusto ko siyang mas makilala pa lalo. Gusto ko siyang makasama.
Kapag nawawala siya sa paningin ko ay bumibigat ang aking pakiramdam. Gusto kong hanapin siya at magtanong kung nasaan siya pero wala akong karapatan. Noon iyon. Iba na ngayon. Sa tingin ko ay may pag-asa akong makuha ang kanyang loob. Kai had her first, but I am going to be her last.
Napahugot ako ng malalim na hininga habang nakatitig sa kanyang tyan na marahan kong hinahaplos.
"You won't feel her movement until between sixteen to twenty-five weeks," saad ng inaantok na boses kaya napaangat ako ng tingin.
Bumungad sa akin ang kanyang magandang mukha na nakasarado pa ang mga mata. Napapalunok ako habang hinihintay siyang tanggalin ang antok sa kanyang sistema. It's taking a lot of self-control in me para hindi siya angkinin ora mismo. The fluttering of her long lashes is making me feel a lot of sensations in my lower region.
Nagiging mahalay talaga ako kapag nasa paligid siya. God. Iisipin na talaga niyang sex addict ako. Believe it or not, I spent the entire night staring at her sleeping figure matapos ang unang gabi namin. Kaya naman kinaumagahan ay antok na antok ako. I even brushed my teeth and used mouthwash para wala siyang maipintas sa aking hininga kinaumagahan. Si Livv kasi iyong tipong mukhang kahit alikabok ay nahihiyang dumikit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...