Kaia's POV
I can only stay away from her for two days kahit na dapat ay tatlong araw akong nasa ibang bansa. May isang kliyente kasi kami na nagrequest na makipag-usap sa amin nang personal tungkol sa resort na balak niyang itayo sa kanyang private island. Hindi ko na pinayagan si Livv na sumama kasi lagi na lang masama ang kanyang pakiramdam. Mabait naman ang matandang babae at pumayag na ako na lang ang magdala ng mga dokumento sa kanya. May isinama akong head architect at engineer para makuha namin kung ano ang gusto niya.
Kinahapunan ng Linggo ay nakabalik din ako sa Pilipinas. Naabutan ko pa ang mailman na napapakamot sa ulo habang nakatingin sa hawak niya. Nasa concierge siya, naghihintay na matapos ang kinakausap ng mga staff doon.
"Sir, may kailangan po kayo?" tanong ko sa kanya habang pasulyap-sulyap ako sa hawak niyang envelope bago sa papasaradong elevator.
Nakita ko kasi ang pangalan namin ni Livv kaya nag-usisa na ako.
"Ma'am, dito po ba kayo nakatira? Hinahanap ko po kasi si Mrs. Livv Tiffany Schertz at Mrs. Kaia River Schertz. Kanina pa po ako tumatawag sa contact number na nandito, eh wala pong sumasagot," saad ni Kuya na napapakamot na sa ulo. "Priority po kasi 'to at gusto ni Doc na matanggap ng recipient mismo."
Linggo pero may trabaho. Importante siguro talaga 'to.
"Akin na po, Sir. Ako po iyong Kaia dyan," saad ko kaya lumawak ang kanyang ngiti.
"Ma'am, pasensya na po pero pwede po bang makahingi ng ID? Para lang po makasigurado na sa tamang tao ko po naibigay. Confidential po ang laman ng envelope," saad ng mailman na napangiwi. "Pasensya na po, Ma'am. Hindi naman po sa wala akong tiwala sa inyo. Mukha naman po kayong disenteng tao."
"Ayos lang iyon, Sir," saad ko bago kunin ang aking driver's license sa aking dalang bag. "Ito po, Sir."
Kinuha niya ang aking ID bago tingnan ang aking mukha. Tumango siya at ngumiti, "Salamat po, Ma'am. Pasensya na po ulit. Ito po ang ID ninyo."
Kinuha ko ang ID at ibinalik sa aking bag. Ibinigay niya sa akin ang sealed envelope na hindi naman ganun kabigat.
"Pakipirmahan na lang po dito banda, Ma'am," lahad niya sa kanyang hawak na gadget.
Pinirmahan ko iyon bago ibalik sa kanya. "Salamat, Sir."
"Salamat rin po, Ma'am. Sige po. Magandang araw po," magalang na saad niya bago umalis.
Naglakad na ako papunta sa loob ng elevator. Wala namang pila doon, sa may concierge lang. Ewan ko kung anong meron at maraming mga kilalang courier service ang nakapila.
Pagpasok ko sa loob ng sala ay naratnan ko si Livv na bagot na bagot na nakaupo sa sofa habang palipat-lipat ng chanel. Iyong dalawang paa ay nasa itaas. Naka Indian sit siya tapos may popcorn sa kanyang kandungan. She's only wearing an oversized shirt and panty. Iyon lang.
Alam kong alam niyang nandito na ako sa bahay because I'm too big to be missed by her peripheral vision. Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon at para na rin ayusin ang aking sarili.
Bakit kasi ganyan ang suot niya? Sobrang nipis ng damit kaya hindi mo na kailangang mag-imagine.
"May parcel para sa'yo," saad ko habang lumalapit sa mesa.
Parang wala lang siyang naririnig at patuloy pa rin sa pagpindot sa remote. Sobrang bilis ng paglilipat niya ng chanel kaya sigurado ako na wala talaga doon ang kanyang atensyon.
"Kanina pa raw siya tumatawag sabi ng tao na nagdeliver nyan. Dead batt ba ang phone mo?"kalmadong tanong ko sa kanya pero wala pa rin siyang imik.
Inilagay ko na sa mesa ang envelope pero padabog naman siyang tumayo bago ibato ang remote sa TV.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...