Chapter 7: Seat

1.4K 55 1
                                    

Kaia's POV

Bago ako pumasok sa aking bagong elective class ay naisip ko munang dumaan sa isang coffee shop na malapit sa school. Kailangan kong gumising dahil lumipat na ako ng klase. Foreign language class na lang ang kinuha ko. Mabait daw ang teacher sabi ng napagtanungan kong dati kong kaklase.

Pagkapark ko pa lang ng aking sasakyan ay kumunot ang aking noo nang makita ko ang girlfriend ko sa isang mesa na malapit sa glass wall. Nakasuot siya ng sunglasses at white cap para itago ang kanyang pagkakakilanlan. She always does that kapag ayaw niyang inaabala siya. Kahit siguro buhok lang niya ang makita ko ay makikilala ko pa rin siya. Every minute detail about her is engraved in my mind.

Nakikita ko siya pero hindi ang kanyang kausap na natakpan ng pader. Naka cross arms ang girlfriend ko at mukhang hindi nagugustuhan ang sinasabi ng kanyang kaharap dahil iyong mga mapupulang labi niya ay nakasimangot na. Nakita ko pa ang kanyang pag-irap matapos humigop sa hawak niyang kape.

Stress na stress ang itsura nya kaya naman ay nagmadali akong pumasok. Baka isa na naman kasi ito sa mga lalaking ulol na namimilit sa kanya. Maganda at sexy ang tipo kong mga babae kaya sanay na akong maraming naglalaway sa kanya. I'm not the jealous type. They can stare all they want, but they can't touch. Basta ba hindi mauuwi sa sexual harassment ay ayos lang.

Papasok pa lang ako sa automatic door nang magkasalubong kami ng malditang babae na may-ari ng kalawakan. Mukhang nagmamadali siya dahil padabog na umayos ito ng tayo matapos akong mabangga. Dahil mas matangkad at mas matatag ang tayo ko ay siya ang napaatras matapos ang aming bungguan.

"Move out of the way," singhal niya sa akin matapos tumingala.

Naitaas ko ang dalawa kong kamay bago humakbang papunta sa gilid pero gumalaw rin siya kaya ang ending ay muli ko na namang naharangan ang kanyang daanan. Mas lalo lang itong nagalit. Lagi na lang masama ang timpla niya.

"Oh, God. Do you mind giving me a break? Not today, please," maarteng usal niya bago magflip ng hair.

Para hindi ako muling makaharang sa kanya ay hindi na ako gumalaw para siya na ang pumili kung saang direksyon siya pupunta, kaliwa o kanan. Nakakatawa lang kasi kahit siguro ten-wheeler truck ay kasya dito sa entrance pero dahil malawak ang sakop ng ego ng babaeng ito ay nasisikipan pa rin siya kahit saan siya pumunta.

Akala ko ay tahimik na siyang lalabas pero mukhang sinadya pa ata niyang banggain ang braso ko ng kanyang bag na pabalang niyang inayos ang pagkakasabit sa kanyang balikat.

Ano ba ang problema ng babaeng ito? Kung tutuusin nga ay siya itong parang galit na toro na hindi tumitingin sa dinaraanan. Sa entrance side ba naman lumabas, eh nasa kaliwa ko lang ang exit na may pagkalaki-laking signage.

Tumingin ako sa security guard na napailing at napakamot na rin sa kanyang buhok. Same, manong. Same. Ako ang nasa tamang lane pero ako pa ang mali. Nasaan ang hustisya para sa aming hindi shareholder ng university?

Dumiretso na ako sa mesa kung saan nakatitig pa rin ang girlfriend ko sa bakanteng upuan. Umalis na ba ang kanyang kausap? Mabuti naman. Dahil baka hindi ko matantiya ang lalaking naghahabol sa kanya kanina.

"Hey," malambing na pukaw ko sa kanyang pansin.

Nag-angat siya ng tingin at unang rumihistro sa kanyang mukha ang gulat. "K-Kaia?"

I was expecting her to be surprised in a good way. Parang ibang pagkasurpresa ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngayon. At saka tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi na baby. Mukhang malalim at seryosong bagay ang kanyang iniisip kanina.

"The one and only. May iba pa ba?" kunot-noong tanong ko dahil bigla siyang napasilip sa likuran ko. Sa entrance, to be specific. Mukha siyang kinakabahan.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon