Kaia's POV
I'm starting to hate the things that I have to do so that my in-laws will not notice anything about my marriage with Livv. Wala pa akong lubusang pahinga sa nangyari kagabi ay nandito na naman ako at kailangang magpanggap na ayos lang ang lahat. We will be having a dinner with her parents. Late birthday celebration ko raw and they said that it would be intimate.
Gaano ka-intimate? I have no idea.
I'm texting with Charlotte habang naghihintay kay Livv dito sa may living area sa first floor ng bahay niya. May suggestion siya sa kung paano i-remodel iyong condo ko. I'm considering some of her suggestions kasi wala pa naman akong naiisip na concrete plan para doon.
Ngayon lang ako umuwi matapos ang nangyari kagabi. It's past six o'clock in the evening na, kaya malamang ay nakauwi na iyong lalaki niya. Sana hindi na bumalik dito.
"Are you good to go?" tanong ng isang pamilyar na tinig kaya tumigil na ako sa paggamit ng cellphone at tumayo.
Naglakad na siya kaya sumabay na rin ako sa tabi niya. May malaking distansya sa pagitan namin siyempre. I can't even look at her kaya pinili ko na lang na ituon ang aking atensyon sa harapan.
"Someone will drive us to my parents' house," pagbabalita niya habang naglalakad kami papunta sa pintuan.
Nauna ako saglit para buksan ang main door at hintayin siyang lumabas.
"Okay," tipid na sagot ko sa kanya.
Wala na siyang imik hanggang sa makarating kami sa labas kung saan naghihintay ang driver sa may passenger door sa likod.
Fancy dinner with family, I suppose. Nilabas ang Rolls-Royce eh.
"Good evening, Ms. Livv, Ms. Kaia," magalang na bati ng lalaking nakasuot ng pang butler na uniform.
Talk about extravagance.
Tumango lang ako bilang pag-acknowledge sa kanyang pagbati. Binuksan niya ang pintuan at sumenyas na pumasok. Umikot ako sa kabila para doon na pumasok. Nang makaupo ako ay nasa loob na ang kasama ko. I kept my distance para hindi kami magdikit. Madali lang iyong gawin dahil malaki ang space dito sa likod. I focused my eyes sa harap na lang.
Tahimik ang naging buong biyahe. Kahit na hindi ako kumportable sa kanyang presensya ay tiniis ko na lang. I'm still harboring negative feelings toward her, toward his lalaki na rin. Naiinis na naman ako nang maalala ko ang pagbagsak niya ng pintuan sa aking pagmumukha na parang trespassing ako sa kanyang bahay. Bahay kaya iyon ni Livv.
Exactly. Bahay ni Livv kaya wala akong karapatang magwala doon.
"Tita Zie and her wife will be there," pagbabalita niya kapagkuwan.
"Okay," tipid na sagot ko sa kanya.
"Ate Callie and her wife will also be there. Their kids will be joining us as well," dugtong niya pagkatapos kong sumagot.
"Okay," tipid kong sagot ulit.
I heard her release a sigh.
"Can you at least pretend like you are happy that they are arranging a dinner for your birthday?" iritableng saad niya pero diretso lang ang aking atensyon sa harapan.
"Okay," muli kong sagot sa kanya.
"Kaia, ano ba? You sound like you are being held at gunpoint to do this. My parents asked you if you are okay with this simple dinner and you agreed. The least that you could do is to look like you are happy to be there," panenermon niya sa akin.
They did not ask me. They told me that they will be hosting dinner at their place as my post-birthday celebration. They never asked if it is okay for me to spend time with them. Honestly, mas gusto kong mag-isa ngayon. Mas pipiliin ko pang makipagtitigan sa aking pader kaysa ang makihalubilo sa kanila. Iyong anak pa lang nga nila ay draining na, ano na lang kung buong angkan ang kailangan kong pakisamahan?
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...