Kaia's POV
FOUR YEARS LATER
"Stop fidgeting, Kaia," saway sa akin ni Ate Kaela habang nasa biyahe kami papunta sa venue ng anniversary ng company ni Mommy.
"I can't help it. I'm excited to see Mommy, but I am also scared about meeting other people. It's been ages since I was home, Ate," pagtatapat ko sa kapatid ko na umiling lang.
My sister and I decided to surprise my mother. Ang alam ni Mommy ay next month pa ako uuwi pero I want to see her. The last time I saw her was six months ago kasi ang sabi niya ay busy siya sa paghahanda para sa anniversary ng kumpanya niya. I am so happy na kahit ganoon ang nangyari ay hindi naapektuhan ang kanyang negosyo. Hindi na ako nagtampo sa kanya. She is still at the top of her game and I'm very proud of her.
"Excited to see your new boss and your co-workers? Mom won't go easy on you. Don't expect na CEO kaagad ang position mo. Okay na iyong taga photocopy ka ng mga contracts," natatawang tukso sa akin ni Ate Kaela.
That's right. Dahil bago pa lang ako at wala pang masyadong experience ay magsisimula ako sa baba. Gaano kababa ang position ko? I don't have a clue. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makakatulong na ako sa pamilya namin.
"I know, Ate. Basta huwag lang assistant ni Mommy. Hanggang sa bahay ang magiging trabaho ko," nakangiwing dagdag ko na ikinatawa niya.
Mommy is a workaholic. As in super workaholic. Lagi rin siyang nasa travel at madalas ay kasama niya ang secretary slash assistant niya.
"We're here," anunsyo ni Ate nang huminto ang aming sasakyan sa isang kilalang hotel. "Take a deep breath and walk with confidence, Kaia. I won't be holding your hands."
Ginawa ko ang sinabi niya para pakalmahin ang aking sarili. Kinakabahan pa rin ako. Bahala na.
"We're so late for the party," saad ni Ate matapos tingnan ang kanyang relo.
May sumalubong sa amin na hotel staff kaya ipinakita sa kanya ni Ate ang invitation. This is an exclusive party at mahirap makapasok kung wala sa guests list. Ako ang plus one ng kapatid ko.
"Good evening po. This way, Ma'am," magalang na inalalayan kami ng lalaking naka suot ng tux.
Nang makapasok kami sa venue ay tama nga ang kapatid ko. Kanina pa nagsimula ang party. Late kami ng lampas thirty minutes pero mukhang wala pa ang speech ni Mommy. Delayed kasi ang lapag ng private jet niya dahil nagkaroon ng air traffic.
"Ladies and gentlemen, may I have your attention please," anunsyo ng lalaking nakasuot ng magarang suit.
Lahat ng mga tao ay tumigil sa kanilang ginagawa at natuon ang atensyon sa stage. Doon ko napansin ang pag-akyat ni Mommy na nakahawak sa bisig ng isang pamilyar na babae na matangkad.
Si Engineer Kiera.
I looked at my mother. She is smiling, but I know better. She is wearing an elegant black gown. Kung ikukumpara ang hitsura niya ngayon sa hitsura niya noong iniwan ko siya ay sobrang laki na ng kanyang ipinagbago. She looked way better. But I can see sadness in her eyes. Dahil ba sa akala niya ay wala na naman kami dito?
Nakita ko ang pagtango ni Engineer Kiera sa kanya na para bang binibigyan siya ng lakas ng loob. Akala ko nga ay iiwanan na niya si Mommy pero nanatili lang siyang nakatayo sa tabi nito.
Okay, what's going on?
"Good evening, ladies and gentlemen," panimula ni Mommy bago ngumiti sa mga taong nasa harapan niya.
Wala siyang eyeglasses at mukhang wala rin siyang suot na contact lenses. Ibig sabihin, hindi niya kami nakikita ni Ate Kaela. Lumingon ako sa kapatid ko na biglang humawak sa aking balakang.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...